Brenda Mage, pinagsisisihan ang pagsali sa Pinoy Big Brother

Inamin ng komedyanteng si Brenda Mage na pinagsisisihan niya ang pagsali sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother.

Ito ang ibinunyag niya sa interview sa kaniya ni Karen Davila sa YouTube channel nito.

Matatandaang isa si Brenda sa naging housemates sa Celebrity Edition ng nasabing reality show at nagwagi siya bilang 5th Big Placer sa katatapos na season.

Naging usap-usapan siya bilang housemate dahil na rin sa ilang kontrobersiya na kinasangkutan niya.

Kabilang na rito ang ayon sa ilang viewers na show, ay pangba-backstab o pangtatraydor sa mga kapwa niya housemates.

Kaya naman naging sentro rin siya ng bashing ng ilang netizens.

RELATED STORIES:

“Nagsisisi ka ba na sumali ka sa PBB?” tanong ni Karen kay Brenda.

“Yes. Parang feeling ko sa lahat ng na-achieve ko sa buhay ngayon, ang pinaka-achievement ko talaga na akalang ko imposibleng mangyari ay maging housemate,” sagot naman ng komedyante.

“May regrets po, wala. Kasi pinangarap ko po ‘to since 2010 nag-audition po ako 4 times na.

“Pang- five times na last year tapos ngayon lang ako nakuha sa celebrity pa ako nalagay.

“So ‘yun yung nagpa-realize sa akin na hindi pala lahat ng pangarap mo na gusto mong maabot pag nakuha mo na ay magiging masaya ka at fulfilled ka.

“‘Yun yung nagpa-realize sa akin na ‘wag mo nang i-push kung hindi naman talaga para sa’yo.

“Ngayong ibinigay sa akin, mas nag-focus ako na ‘oh my God thank you Lord, para sa akin nga ‘yung PBB thank you lord binigay mo po sa akin.

“’Yun pala lesson yun para sa akin na meron ka na, na-achieve mo na, successful ka na.”

Panoorin ang kabuuan ng kanyang interview dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: