Usap-usapan ngayon sa social media ang pagpapakasal ng isang alkade sa isang buwaya sa Mexico.
Naging makulay ang nasabing seremonya kung saan binihisan ng puting gown ang pitong-taong gulang na buwaya.
Ang pagpapakasal na ito ni Victor Hugo Sosa, alkalde ng San Pedro Huamelula sa Oaxaca, Mexico, ay bahagi umano ng isang ritwal.
Ginagawa umano ang ritwal na ito upang humingi ng kasaganahan mula sa kalikasan ang mga tao.
Ito raw ang sumisimbulo ng pakikiisa ng tao sa kabanalan ang pag-iisang dibdib ng dalawa, na isang sinaunang ritwal ng Chontal at Huave indigenous communities sa Oaxaca.
RELATED STORIES:
- Lalaking pinakasalan ang rice cooker, usap-usapan sa social media
- Lalaking nagpakasal sa rice cooker, nakipag-divorce pagkalipas ng apat na araw
Kabilang sa seremonya ang pagsasayaw sa tradisyunal na tugtugin.
Nagtapos ito sa paghalik ng alkalde sa kaniyang bride nakatali ang nguso.
“We ask nature for enough rain, for enough food, that we have fish in the river,” ang paliwanag ng mayor.
Mabilis na nag-viral sa social media ang nasabing balita at umani ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Sana gayahin ka po ng mga magnanakaw na nakaupo sa gobyerno, na pakasalan nalang ang buwaya kaysa ugaliin🙃”
“Buwaya nila pinakasalan at natali ang bunganga…yung mga buwaya ng pinas tumataba at pagala gala”
“Kaya nagalit na Ang pnginoon sa mga tao ksi kung ano ano nalang Ang ginagawa at maisipan”
“Sa honeymoon nyo katapusan mo na ikaw mayor ang kakainin ng asawa mong buwaya”
“Sa pilipinas mismong mga politiko ang buwaya. Lalo na yung niluklok ng 31M. Buwaya talaga. 😂”
“kung totoong nagmamahal ang taong yan sa buwaya! dapat tinanggalan ng tali ang bibig! para malaman natin sa paghalik nya kung mahal dnsya ng buwaya! sira ulo na ata ang taong ito!”
“okay lang yan. sa pilipinas nga, yung alkalde mismo yung buwaya”
* * * * * * * * * *
Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!
Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily
20 bigas anyare 😆 🤣 😂 NGA-NGA