Kamakailan lamang ay nasorpresa ang mga netizens sa balita ng pagpapakasal ng isang lalaki sa kanyang rice cooker.
Mabilis na nag-viral sa social media ang ilang larawan ng isang lalaking Indonesian kasama ang isang rice cooker sa isang tila seremonya.
Ayon sa nag-viral na post, nagdesisyon si Khoirul Anam na pakasalan ang kanyang rice cooker na inilarawan niya bilang ‘loving and obedient.’
Narito ang buong caption ng post ng lalaki.
“White, white, loving, obedient. I don’t have much to say, I’m good at cooking.. Ideas .. warm again.. without you my rice is not cooked.”
Agad itong umani ng reaksiyon ng netizens na tila napakamot na lamang ng ulo sa pagtataka kung totoo nga ang balita o hindi.
Sa kasamaang palad, apat na araw matapos ang sinasabing kasal ay napabalita naman ang desisyon ng lalaki na makipag-divorce sa pinakasalang rice cooker.
Inirereklamo niya umano na kanin lamang ang alam lutuin ng kanyang ‘napangasawa.‘
Narito ang caption sa kanyang post.
“My decision is round.. heavy indeed.. but this is the way I take.. no perfect partner..”
Ngunit bago pa tuluyang seryosohin ng publiko ang tungkol sa nangyaring kasal sa pagitan ng lalaki at ng kanyang rice cooker, nabunyag nang ito ay gawa-gawa lamang at hindi totoong kasal.
Ang nasabing ‘pagpapakasal’ ay isa lamang palang ‘social media stint’ ng lalaki na isa palang sikat na celebrity sa Indonesia.
Kilala ang nasabing lalaki sa ibang klase ng entertainment na ibinibigay niya sa kanyang mga followers at tagahanga.
Dahil sa naging rebelasyon, napatawa na lamang ang ilan sa mga netizens na una nang nag-react sa nasabing balita.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Sabi ko na nga ba at wala talagang forever.”
“Ang weird kasi nung unang ibinalita. Obvious namang hindi totoo.”
“Akala ko epekto na talaga ng lockdown at quarantine kaya umabot sa ganyan. Hahaha”
“Mabuti na lamang at it’s a prank lang pala.”
“Bakit mo naman kasi papakasalan ang rice cooker? Ano ka, sandok? Hahahaha”
“Sayang. Akala ko pa naman may forever na sila. HAHAHAHA”
“So, ayun na nga. Sinayang lang ang oras natin. Haha! Pero in fairness, naaliw naman ako.”