AJ Raval, iginiit na hindi pa sila ’in a relationship’ ni Aljur Abrenica

Sa kabila ng pagkalat ng ilang larawan nina AJ Raval at Aljur Abrenica, nilinaw ng sexy actress na hindi pa sila ‘in a relationship’ ng aktor.

Sa isang panayam ng entertainment website na PEP.ph, ikinuwento ni AJ ang panliligaw ng aktor.

“Parang old school po. Pumupunta po siya sa father ko, nagpapaalam po siya sa mother ko, sa family ko”

Sinabi rin niya na aprubado ng kanyang ama na si Jeric Raval ang nasabing panliligaw.

“Si Aljur naman po, nakikita naman po nila na totoo po. Maganda po ang intensyon niya.

“Ayun po, okay naman po sa tatay ko. May mga advice lang na hindi ko rin naman po siguro puwedeng sabihin ngayon dito.”

Sinabi rin niya na may posibilidad na tuluyang mahulog ang loob niya sa aktor.

“Yes po. Puwede po akong ma-in love sa kanya.

“Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur. Napaka-pure po, totoong tao.

“Possible naman po na ma-in love ako sa kanya.”

Matatandaang kamakailan ay kumalat ang ilang larawan nilang dalawa kung saan makikita ang sweetness at closeness nila sa isa’t isa.

Agad itong umani ng reaksiyon ng mga netizens na tila hindi naniniwala na magkaibigan lang ang dalawa.

Narito ang ilang sa kanilang mga komento.

”Nag-mall lang sila as friends. Kayo naman.”

”Ano kami, ipinanganak kahapon? Halos magkayakap na tapos magkaibigan lang?”

”Kapag ang manliligaw ay pinapayagan nang makipag-holding hands ng nililigawan, alam na. Wag kami ang lokohin nyo. Haha”

”Kaya pala hindi na nakipag-ayos. May iba nang inaayos. Hahahaha”

”Sana kung kahihiwalaya pa lang sa asawa at may chance pang maayos sana, hindi na rin sana muna pinayagan nung babae na manligaw sa kanya.”

”Another anak ng action star. Lupet mo, Aljur! hahaha”

”Kapag niloko mo pa ulit yan, dalwang action star na ang hahabol sa yo. Hahahaha”

”Wag na kasi magdeny kung obvious naman na.”

”Showbiz na showbiz ah. Friends lang pero ganyan? Nakuuu.”

”Nakalingkis na sa lalaki pero di pa jowa? Weh? Wag kami, ineng. Hahaha”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: