Sweetness nina AJ Raval at Aljur Abrenica, huli sa viral video

Nag-viral sa social media ang video kung saan makikita ang sweetness nina AJ Raval at Aljur Abrenica.

Base sa kumakalat na video at ilang larawan, tila nasa isang mall ang dalawa.

Kasunod ito ng pagkumpirma ni AJ na nasa “getting-to-know” stage silang dalawa ni Aljur.

Sa isang interview ilang araw na ang nakakalipas ay sinabi ni AJ na may posibilidad ngang mahulog ang loob niya kay Aljur na nakatrabaho niya sa isang pelikula kamakailan.

“Yes po. Puwede po akong ma-in love sa kanya.

“Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur.

“Napaka-pure po, totoong tao.

“Possible naman po na ma-in love ako sa kanya.”

Sa isa pang interview ay inamin din ni AJ ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa sa kasalukuyan.

“Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita.

“Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami.

“Well, totoo naman na nag-uusap kami.”

Sinabi pa nga niya na boyfriend-material si Aljur.

“Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other.

“Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know…”

Sinabi rin niya na nagpaalam muna sa kanyang mga magulang si Aljur bago ang panliligaw nito.

Base sa mga kumakalat na larawan ay makukumpirma na nga ang closeness nilang dalawa.

Mabilis na kumalat ang nasabing mga larawan at video, at umani ng reaksiyon ng publiko.

Narito ang ilang sa mga komento ng netizens.

“Baka naman nag-mall lang as a friend.”

“Getting to know you pa lang daw pero nakaakbay na at halos nakayakap. Haha”

“Nung gumawa sila ng pelikula, nun lumabas ang balitang hiwalay na sila Aljur at Kylie Padilla. So, alam na this.”

“Pwede namang mamasyal as friends ah. Hahaha”

“Mahilig sa anak ng action star itong si Papa Aljur. Haha”

“We care for each other ang sabi niya sa interview. Ayan pala ang care, akbay-akbay.”

“Kaya naman pala hindi na nag-deny. Mabubuking na rin kasi. Lakas maka PDA.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: