Gerald Anderson, na-shock sa eksena nila ni Ivana Alawi: “Talaga, direk? ‘Di ba pang-TV ‘to?”

“Hindi naman kinabahan.”

Ito ang naging pahayag ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson tungkol sa unang intimate scene nila ng actress-vlogger na si Ivana Alawi.

Una silang magtatambal sa teleserye sa upcoming ABS-CBN series na A Family Affair.

Sa media launch ng nasabing teleserye ay ibinahagi ni Gerald ang naging karanasan niya sa mga maiinit na eksena nila ni Ivana.

“First of all, mas iniisip ko… Kasi pinuntahan pa ako ni Direk Jerome [Pobocan] sa tent bago kami kunan, in-explain niya sa akin kung ano ang gagawin at kung paano namin gagawin.

“Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Diba pang-TV ‘to?’ Sabi niya, ‘Hindi, pang-Netflix ‘to!’

“Siyempre first leading role ni Ivana. Sabi ko, ‘Paano natin gagawin ‘to na magiging comfortable siya sa scene?’

Kinakausap ko ‘yung mga PA, si direk.

“Minsan ‘pag feeling ko hindi na ganoon ka-komportable o medyo parang may nakikita o medyo revealing, titingnan ko si direk.”

Binigyang-diin rin niya na ang kaniyang leading lady ang priority.

“Siya ‘yung priority.

“From now on, I’m a fan, at magiging cheerleader ako.

“Sana, after this, isi-share pa rin niya ‘yung talents niya sa ating lahat. Exciting kung ano pa ang gagawin niya.

“Abangan niyo ang napaka-amazing na Ivana dito.”

Ang A Family Affair ang magsisilbing unang lead role ni Ivana kung saan makakasama niya sina Gerald, Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

Mabilis na humakot ng views ang official trailer ng nasabing teleserye.

Mukhang kinasasabikan ito ng maraming Kapamilya viewers.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

”Na-shock sa eksena o na-shock kay Ivana mismo?”

”Julia B left the group. Char! haha”

”May shampoo commercial ba si Ivana? Kung meron, alam na this.”

”May mabibiktima na naman ba?”

”Let’s wait and see kung gagana ba ang kamandag ni Budoy. Haha”

”Parang di naman bet ni Ivana si Gerald. So wag nang umasa. Haha”

”Abangan ang susunod na kabanata. Lol”

”Naku, kabahan ka na mareng Julia.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: