Ivana Alawi, nata-touch sa pagiging maalaga ni Gerald Anderson

Mabilis na nakahakot ng million views ang trailer ng bagong ABS-CBN teleserye na “A Family Affair.”

Agad ring pinag-usapan ang mga maiinit na eksena nina Ivana Alawi, Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

Ang teleseryeng ito ang magsisilbing launching project ni Ivana.

Una nang napabalita ang pagbibida niya sa teleseryeng Ang Lihim ni Ligaya noong 2020 ngunit hindi ito natuloy dahil sa pandemya.

“The timing of the last show that I was supposed to do (was not right), biglang dumating yung pandemic, yung COVID. I was keeping my family safe.

“But now that we have vaccines and very strict ang protocols ng ABS-CBN, especially with the tapings, I feel safe naman kaya gustong-gusto ko na gumawa ng teleserye.”

Sa media conference para sa bagong show, nagkuwento si Ivana tungkol sa kaniyang experience na makatrabaho ang mga leading men niya.

Inilarawan niya si Gerald bilang “very professional.”

“Especially during taping, nag-i-internalize siya. When he becomes the character, ang galing talaga.

“So, parang ako na nahiya, parang ayoko magbiro kay Gerald because he’s really professional.”

Excited rin daw siyang makatrabaho ang mga co-stars niya lalo na sina Sam at Gerald.

“Sobrang bait nila lalo na si Gerald kasi more on nakaka-eksena ko ngayon si Gerald recently.

“Sobrang na-to-touch ako sa sobrang pagiging maalaga niya.

“Kasi may scene na tumatakbo ako na parang nakapaa. Siya mismo yung nagwawalis. Sobrang bait.”

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang saloobin sa pagsasamang ito nina Ivana at Gerald.

“Julia B left the group.”

“Buti na lang at hindi shampoo commercial model si Ivana. Kung nagkataon, alam na.”

“May bago na namang aabanagan ang mga Marites.”

“Grabe ang eksena nina Ivana at Gerald. Alam na this.”

“In fairness bagay din sina Ivana at Gerald. Baka may magselos.”

“Wag ka ma-touch. Baka may hidden agaenda yan. Char! Hahaha”

“Nakakaaliw ang mga comments. Well, di naman natin sila masisisi.”

“Ayan, dahil sa naging reputation ni Gerald, andami tuloy advance mag-isip.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: