Napikon? Skusta Clee, nag-walk out nga ba sa isang music festival?

Nag-viral sa social media ang isang video ng umano’y pagwo-walk out ng rapper na si Skusta Clee sa isang music festival sa Quezon City.

Sa TikTok video na ipinost ni @leeivangatpandan, mapapanood ang nasabing eksena.

May caption ang nasabing video na:

“Skusta Clee nag walk out sa Pandayo alon water music festival.”

Naganap ito sa Amoranto Stadium, Quezon City, nitong Linggo, June 12.

Sa gitna ng performance ni Skusta kasama ang mga kagrupo niyang Ex-Battalion, tumalikod ang rapper, naglakad at umabot sa dulo ng stage.

Kapansin-pansin din sa video na maging ang mga kasamahan niya ay tila hindi inasahan ang ginawa ng rapper.

Makalipas ang ilang segundo ay bumalik sa stage si Skusta.

Hindi naman malinaw kung “walk out” nga ba ang ginawa niya at kung ano ang dahilan nito.

As of this writing ay mayroon ng mahigit 4.4 million views ang viral video.

Panoorin ang nasabing video dito.

@leeivangatpandan Lt sa mga basher eh hahaha #skustaclee #cheater #pandayomusicfestival #fyp ♬ original sound – Lee 💢 – Lee Ivan

Mabilis na kumalat ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

props parin sakanya,kase ganda padin ng performance nya kahit ganun yung mga nanonood”

“you can’t cancel someone being okay being a villain😂😂😂”

“Sa mga pumupunta sa concert niyan try niyo total silence. As in walang reaction. walang ingay and just stare or tumalikod kayo hanggang matapos HAHAHA”

“deserve na deserve nya yan as Daryl. Pero bilang Skusta, ang galing mo pa din.”

“hinihika na daw kaya sya pumunta sa likod”

“may dalawang dahilan po, nahirapan na sya huminga, hiningal na, at nakakatanggap daw po ng masasakit na salita.”

“Pero kahit ganon si skusta clee galing nya padin talaga sa pag kantaaa”

“talent will seperate on your personal prob..”

“salute you for still standing behind those people keep on judging you grbi tao nag perform ka as skusta+“

UPDATE:

Itinanggi ng organizer ng event na nag-walk out ang rapper.

“Maayos na natapos ni Skusta Clee ang kanyang performance sa Alon.

“Nagkaron lang sya ng bahagyang hirap sa paghinga, ngunit ang buong set ng EXB at mismong set nya ay maayos at masayang natapos.”

“Wala pong back out o walk out na nangyari.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: