Carla Abellana, nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Tom Rodriguez

“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.”

Ito ang makahulugang pahayag ng Kapuso actress na si Carla Abellana kaugnay ng hiwalayan nila ng asawang si Tom Rodriguez.

Sa isang mahabang reply sa isang netizen na pumuna sa pagla-like niya sa mga negative comments kay Tom, inilabas ni Carla ang kaniyang panig.

“Opo, nag like po ako, pero yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po yun inulit.

“Nag like po ako pero hindi ko po ginawa ng paulit-ulit at ng matagal.

“Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan.

“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.

“Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw.”

Ang ikinagalit umano nang husto ni Carla ay ang pagdamay sa kaniyang pamilya.

“Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.”

Nilinaw rin niya na hindi niya ginawan ng masama ang asawa.

“Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pag protekta, lahat lahat na.

“Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede.

“Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya.

“Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko.

“7 na taon pong naipon sa loob ko lahat yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po.”

“Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot at magpagaling dahil yun din po ang gumana sa akin. Pero wala parin po.

“Tinanggap ko parin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko po siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahal namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos.

“Sa dami po ng binigay ko kay Tom wala na pong natira sakin.

“Galit, pride at ego ko siya narin po ang kumuha sakin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya. Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa 7 na taon.

Kahit po kung tutuusin wala pa po yung pag like sa iilang comments na yun kumpara po sa nagawa niya sa akin at sa aming lahat, at sa lahat-lahat pa po ng ginawa niya at ginagawa niya.

“Sa lala po ng sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil po niya, mga tinago niya, napakadali pong ibalik sa kanya sa paraan ng pagganti.

“Pero hindi po ako ganun. Hindi po ako bobo. Hindi po ako lalaban kahit tapak-tapakan na po ako ng husto. Hindi po ako mababaw.

“Hindi po ako masamang tao. Kung ano po ang nakikita, naririnig at nababasa ninyo online ay kakarampot lang po ng hindi po ninyo nakikita, naririnig at nababasa kapag wala pong kahit anong camerang naka record.

“Kapag sarado na po ang pinto sa pamamahay po namin at wala na pong ibang nakakakita.

“Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig at nakikita po ninyo online, sa TV, etc…

“Pinalaki po ako ng nanay at lola ko na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat may takot po siya Diyos.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: