‘The Voice PH’ sa GMA-7, kumpirmado na? Mga posibleng coaches, pinangalanan na

Usap-usapan ngayon sa social media ang lumutang na pangalan ng mga posibleng coaches sa umano’y bagong season ng The Voice Philippines.

Sa post ng isang Kapuso fan page, pinangalanan sina Sarah Geronimo, Bamboo, Pops Fernandez, at Julie Anne San Jose bilang mga coaches.

Samantala, si Xian Lim naman na dati ring Kapamilya star ang sinasabing magiging host ng show.

Lumabas dina ng nasabing post sa entertainment website na Fashion Pulis.

Matatandaang ilang araw nang usap-usapan ng netizens ang umano’y paglipat ng nasabing singing competition.

Ito rin umano ang dahilan na nagtulak kay Sarah Geronimo na bumalik sa bakuran ng GMA network.

Ayon sa mga bulong-bulungan, ang The Voice Kids ang unang ipapalabas sa Kapuso.

Ang The Voice Kids ay isang singing competition na unang umere sa ABS-CBN noong 2014.

Sa singing competition na ito nagmula naging grand champion sina Lyca Gairanod (season 1) at Elha Nympha (season 2).

Dito rin nagsimulang makilala ang ilan pang magagaling na singers sa henerasyon ngayon gaya nina Darren EspantoJuan Karlos Labajo, Kyle Echarri, at Zephanie Dimaranan.

Naging coaches sa nasabing competition sina Sarah Geronimo, Lea Salonga, Bamboo, at Sharon Cuneta (season 3).

Kabilang sa mga naging hosts sina Luis Manzano, Toni Gonzaga, Robi Domingo, Alex Gonzaga, Yeng Constantion, at Kim Chiu.

Tumagal ito ng apat na seasons at huling napanood noong 2019.

Sinalubong naman ito ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

”Matutuloy na ba talaga? Baka fake news na naman.”

”Hanggang wala akong napapanood na teaser sa GMA, di muna ako maniniwala.”

”OMG. Pati pala si Bamboo?”

”Bakit naman pumayag ang ABS na mawala sa kanila?”

”Nakakalungkot naman yan. Isa yan sa inaabangan ko sa ABS.”

”Wala rin sigurong magawa ang ABS kasi wala naman silang prangkisa.”

”Mas okay pa rin ang combination nina Sarah, Bamboo at Lea.”

”Kung too man, sana galingan naman ng GMA ang version nila.”

8 thoughts on “‘The Voice PH’ sa GMA-7, kumpirmado na? Mga posibleng coaches, pinangalanan na

  1. I think fake news lang pero kung true sana GALINGAN ng GMA yung version nila kasi magmumukhang cheap yung show

    Goodluck nalang

  2. Mas maganda pa rin kung saan ito nagsimula (Abs-cbn) at mga coaches na kasama si Lea Salonga. Napakaganda panoorin yung mga original coaches sa abs-cbn na magkakasama. Nagbibigay ng sobrang saya sa akin makita silang magkakasama at ang galing nila…Ito ang palagi kong hinihintay na panoorin simula pa lang sa 1st Season. Sana lang makita ko ulit sila sa nasabing palabas pagdating ng tamang panahon…

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: