Ipinalit kay Zeinab Harake, proud nang inilantad ni Skusta Clee?

Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pagpi-flex sa isa’t isa nina Skusta Clee at ng napapabalitang bagong kasintahan nito sa kanilang social media accounts.

Naunang nag-post si Skusta o Daryl Ruiz ng isang larawan kung saan litaw ang closeness nila sa isa’t isa ng TikToker na si Aira Mae Lipata.

Ibinahagi naman ni Aira ang mismong post ni Skusta.

Walang caption an gnasabing post ngunit tila sapat nang dahilan ito upang isipin ng netizens na may katotohanan ang naging usap-usapan dati na ito na nga ang bagong kinahuhumalingan ng rapper.

Matatandaang naging usap-usapan din ang umano’y ginawang paninipa ng social media personality na si Zeinab Harake kay Aira nang magpang-abot ang dalawa sa isang bar sa Quezon City.

Ayon sa lumabas na kuwento noon sa socila media, tinadyakan umano ni Zeinab si Aira at agad itong natumba.

Balak daw kasuhan ng kampo ni Aira si Zeinab ngunit walang naging kumpirmasyon kung totoo ang nasabing balita.

Si Skusta ang dating partner ni Zeinab at ama ng kaniyang anak.

Sa kabila ng lahat ng ito, wala pang direktang kumpirmasyon mula kina Skusta at Aira sa estado ng kanilang relasyon.

Ngunit para sa maraming netizens, sapat nang kumpirmasyon ang tila “matchy-matchy” nilang social media post.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Di na kailangan ng kumpirmasyon. Malinaw na malinaw na.”

”Confiiiiiirmed, mga mamshie! Di na kailangang mag-deny ng dalawa.”

”At proud pa talaga silang dalawa sa lagay na yan?”

”Kung ako ang may kab*t, hindi ko ife-flex. At kung ako ang kab*t, hindi ako papayag na i-flex. Hahaha”

”Di talaga sila marunong mahiya man lang?”

”Ayan na, lumantad na talaga sila.”

”Sige lang, hindi deserve ni Zeinab ang isang lalaki na kagaya ni Skusta.”

”Tama si Zeinab. Mali si Andrew E. Hahaha”

”Proud yarn? Proud kab*t?”

”Ay, iba din! Hahaha! Ipinangalandakan nang talaga.”

”Tama nga, kahit pang*t, nagluluko na rin. Wala na yata talagang matino.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: