Blind item ni Vice Ganda tungkol sa ASAP host na ‘di mabait sa tunay na buhay, usap-usapan sa social media

Naging palaisipan sa mga netizens ang pa-blind item ni Vice Ganda sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime kahapon, June 8.

Habang nasa interview portion kasi ng Tawag ng Tanghalan ay may pabirong pahayag si Vice tungkol sa Sunday variety show na ASAP Natin ‘To.

Noong una ay pinuri niya ang mga mainstays ng nasabing programa.

“Parang walang hindi magaling sa ASAP.

“Pag Linggo, libreng concert… Pinakamagagaling mag-perform, pinaka-cute na artista, and’yan.

Hanggang sa pinapurihan niya ang young actor na si Donny Pangilinan na regular ding napapanood sa ASAP.

”Mabait yan, mabait si Donny Pangilinan sa totoong buhay.

“May mga hindi kasi mababait sa totoong buhay.”

Nang tanungin siya ng mga co-hosts kung sino ang tinutukoy niya ay pabirong sumagot si Vice.

”Yung iba nasa ASAP.”

Mabilis din naman niyang nilinaw na nagbibiro lamang siya.

“Pinapatawa ko lang kayo. Kayo talaga pag may ganyang chismis, tuwang-tuwa kayo.

“Hindi totoo, fake news yun. Mababait ang mga nasa ASAP.”

Ikinuwento pa niya na madalas siyang magprisintang mag-perform sa ASAP kapag hindi siya busy.

Natatawa na lang din niyang pinansin ang naging reaksiyon ng mga hurado na sina Ogie Alcasid, Jed Madela, at Erik Santos.

Mainstays din kasi ng ASAP ang tatlo.

“Nagjo-joke lang ako, kayo talaga. Pinapatawa ko lang kayo.

“Kung meron mang hindi mabait sa ASAP, hindi ko kilala. Lahat ng kilala ko sa ASAP, mababait.”

Patuloy na lang niyang sinakyan ang biruan nila ng mga co-hosts niya sa programa.

Pabiro siyang nagbigay ng clues na babae at pioneer na sa show ang tinutukoy niya.

Magge-guest lamang daw siya ulit sa ASAP kapag wala na ito sa show.

Sa huli, nilinaw niyang nagbibiro lamang siya.

“Joke lang to, wag n’yong sasakyan itong joke na ‘to.

“Nagtatawanan lang tayo para masaya…”

Kahit na nilinaw naman niya na biro lamang ito, pinag-usapan pa rin ito ng ilang netizens sa social media.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

”Jokes are half meant. May pinatutungkulan siguro talaga siya.”

”Pioneer? Eh si Martin na lang ang natitira sa original hosts.”

”Di naman pwedeng si Regine kasi friends sila ni Vice. Saka bago lang si Regine dun.”

”Baka si Sarah G kaya di na siya bumalik?”

”Di naman si Zsa-Zsa kasi hurado rin yung sa Tawag ng Tanghalan.”

”Andami namang hosts sa ASAP. Ang hirap hulaan. Haha”

”Babae na may alagang lalaki? Si Maja Salvador?”

”Si Gary V? Charot! Haha”

Panoorin ang nasabing eksena dito.

Ang ASAP Natin ‘To ay nagsimulang umere noong 1995.

Kabilang sa mga original hosts nito ay sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ariel Rivera, at Dayanara Torres.

Sa kasalukuyan ay kabilang sa mga hosts nito sina Martin, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Zsa-Zsa Padilla, Erik Santos, Jed Madela, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Angeline Quinto, Jona, at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: