‘Grocery date’ nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero, usap-usapan sa social media

Usap-usapan na naman ng netizens ang magkasintahang sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero dahil sa kumalat na ilang larawan ng dalawa.

Kuha ang nasabing mga larawan sa ‘grocery date’ ng dalawa kamakailan.

Matatandaang kamakailan lang ay naging laman din ng usap-usapan ang dalawa dahil sa isang nag-viral na video ng Kapamilya actress.

Sa nasabing video ay nakuhanan ang pagbe-baby talk ng aktres habang bumibili sa isang tindahan sa Siargao.

Sa panibagong viral photos naman ngayon ay makikitang nakasakay si Andrea sa isang shopping cart habang tila tulak-tulak naman ito ni Ricci.

Kuha umano ang mga larawan sa isang sikat na membership grocery store.

Dahil dito, mula na namang pinagpiyestahan ng netizens ang dalawa.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: