Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, napapabalitang hiwalay na?

Umugong ang usap-usapan sa social media ng umano’y hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na mas kilala bilang KathNiel.

Ito ay matapos tukuyin ng ilang netizens na tila ang KathNiel ang tinutukoy sa isang lumabas na blind item kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Sa blind item na inilabas ng entertainment website na Fashion Pulis ngayong araw, June 6, tinukoy nito ang isang love team na umano’y mayroong ‘rocky relationship.’

Pinangalaan nitong Dashing Personality (DP) at Kindred Beauty (KB) ang dalawa.

Nagkataon namang tumugma ang mga ito sa initials nina Daniel at Kathryn.

May ilang netizens tuloy ang agad na nag-react na maaaring ang KathNiel nga ang tinutukoy.

Narito ang ilang bahagi ng nasabing blind item.

“The grapevine is abuzz with rumors that the relationship of Dashing Personality (DP) and Kindred Beauty (KB) is rocky. DP and KB have been together for quite a time. Their relationship on and off the camera has delighted the public and their management.

“In addition, DP and KB have enticed the creative department of various production companies to come up with fresh and innovative ideas for their projects. Hence, their reel relationship is well taken care of.

“Their families and friends have shown support for them to end up with each other. Thus, their reel and real relationship is perfect.”

Maging ang ABS-CBN news reporter na si MJ Felipe ay nag-tweet tungkol sa issue.

Aniya, may nakausap siyang reliable sources na nag-deny na hiwalay na nga ang KathNiel.

“Spoke to two very reliable sources close to Kathryn & Daniel.

“Netizens have been mentioning the couple after a blind item, coincidentally with their initials, came out that a certain loveteam have decided to call it quits.

“Both sources vehemently denied the rumors.”

Nananatili namang tikom ang bibig ng kampo nina Kathryn at Daniel tungkol dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Kasalukuyang napapanood ang dalawa sa ABS-CBN primetime series na 2 Good 2 Be True. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: