Moira Dela Torre sa hiwalayan nila ni Jason Hernandez: “Saan ba ako nagkulang?”

Sa unang pagkakataon mula nang mapabalita ang hiwalayan nilang mag-asawa ay nagpaunlak ng interview si Moira Dela Torre.

Sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay ngayong umaga, June 6, ay ibinahagi ng singer ang nararamdaman sa pinagdadaanang yugto sa kaniyang buhay.

Matatandaan na ang asawang si Jason Hernandez mismo ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng isang statement sa social media accounts nito noong May 31.

Inamin din ni Jason na hindi ito naging tapat sa kanilang pagsasama.

Pero kahit inako ng asawa ang pagkukulang, aminado rin si Moira na mayroon siyang naging pagkukulang.

Sa interview niya sa Magandang Buhay, tinanong siya ni Regine Velasquez na isa sa mga host ng programa kung sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kanilang mag-asawa.

“Sobra. Sa lahat naman ng pinagdadaanan ko sa buhay, laging yun ang initial reaction ko, e.

“I always say, ‘What did I do wrong?’ So, especially now, ‘Saan ba ako nagkulang?’

“Dati, akala ko, yung paubaya kanta ko lang.

“Pero tinatanong naman talaga natin yung sa sarili natin saan tayo nagkamali, saan tayo nagkulang, hindi lang sa relationships, sa career, kung anuman…”

Ibinahagi rin ni Moira na ang kaniyang pananampalataya sa Diyos ang kinakaiptan niya ngayon sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan niya.

“I also know na God makes all things beautiful in His time.

“And yun talaga ang pinanghahawakan ko—na I may feel like a broken glass right now, but God [will] make me a diamond again. And I know I’ll be whole again.”

Naniniwala rin siya na magiging buo muli si Jason.

“I know he’ll be whole again.”

Patuloy raw siyang maniniwala sa true love ng Diyos, kung hindi man ito sa isang tao.

“And because He is with me, I can forgive. Dahil may Diyos ako sa buhay ko, malaya ako.”

Panoorin ang ilang bahagi ng nasabing interview dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: