Xian Gaza sa hiwalayang Moira at Marvin: “Lalaki ang gusto”

Naging trending topic na naman sa Twitter ang controversial social media personality na si Christian ‘Xian’ Gaza.

Ito ay kasunod ng post nito sa kaniyang Facebook account kung saan tila may pahiwatig siya sa hiwalayan ng mag-asawang Moira Dela Torre at Jason Hernandez.

Ayon sa kaniyang post:

Moira’s next song: “LALAKI ANG GUSTO”

Bagama’t wala siyang direktang tinukoy, nakuha naman agad ng netizens ang tila pakahulugan ng sinabi niya.

Matatandaang si Jason mismo ang nagkumpirma sa hiwalayan nila ng asawang si Moira.

Sa kaniyang social media accounts ay naglabas siya ng official statement tungkol sa kinahinatnan ng kanilang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.

“3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her.

“Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.

“I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.

“From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi.”

Bagama’t inamin ni Jason ang pagiging “unfaithful” niya, wala na siyang ibinigay pang ibang detalye sa hiwalayan.

Sa post naman ni Xian, lalaki ang tila tinukoy nitong third party.

Hindi ito ikinatuwa ng ilang netizens na agad namang bumatikos kay Xian.

Narito ang ilang tweets ng netizens tungkol dito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: