Lalaking idinadawit sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez, nagsalita na

Nagsalita na ang lalaking iniuugnay sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.

Matatandaang nag-viral ang post ng social media personality na si Christian “Xian” Gaza kung saan ibinahagi nito ang isang larawan ni Jason na may katabing isang lalaki.

Mabilis na nagkaroon ng ispekulasyon ang mga netizens sa nasabing larawan lalo na at may isa pang post si Xian kung saan sinabi naman nito na “lalaki ang gusto” umano ang susunod na pamagat ng kanta ni Moira.

Sa kaniyang social media accounts, nag-post ang lalaki na kasama ni Jason sa viral photo at nagpakilalang si Mac Merla.

Si Mac ang tumatayong Handler nina Moira at Jason.

Sa nasabing post, nilinaw niya ang tungkol sa mga ispekulasyon na idinulot ng nasabing viral photo.

“Saw this post of Xian which has become a subject of malicious speculation.

”Just for the sake of clarity, for those who do not know us, I am Mac Merla of Cornerstone Entertainment Inc.

“I am the handler of Jason and Moira.

“This was taken during our flight to Dubai for Moira’s event which was taken by Moira herself.

“This is a very difficult time and we continue to pray for both of them.

“Pakiusap ko lang sana sa inyo bilang malapit nilang kaibigan na sana umiwas na tayo sa mga speculations na hindi nakakatulong sa napakahirap na sitwasyon na pinagdaraanan ni Moi and Jason.”

Matatandaang mismong si Jason ang nagkumpirma ng hiwalayan nila ni Moira.

Inamin rin niya na naging “unfaithful” siya kay Moira ilang buwan na ang nakakaraan.

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.

“3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her.

“Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.

“I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.

“From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi.”

As of this writing, wala pa ring pahayag na nagmumula naman kay Moira tungkol sa hiwalayan nila ni Jason.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: