Moira Dela Torre at Jason Hernandez, hiwalay na; Jason, aminadong nagloko

Matapos ang tatlong taong pagsasama, hiwalay na ang mag-asawang sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.

Ito ang kinumpirma mismo ni Jason sa kaniyang mga social media accounts.

”It is with a heavy heart that after 3 years of marriage, we announce that we are parting ways.

”Our love and respect for each other remains.“

Humiling din siya ng privacy para sa pinagdadaanan nilang dalawa ngayon.

Inamin rin ni Jason na naging “unfaithful” siya kay Moira ilang buwan na ang nakakaraan.

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.

“3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her.

“Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.

“I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.

“From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi.”

As of this writing, wala pang pahayag mula kay Moira maliban sa pagre-retweet niya sa mensahe ni Jason.

Unang naging bulung-bulungan ang intrigang naghiwalay na ang dalawa nang mapansin ng ilang netizens ang umano’y pag-unfollow nila sa isa’t isa sa kanilang kani-kaniyang social media accounts.

Napansin din ng ilang fans ang umano’y pagde-delete ni Moira sa kaniyang Instagram account ng mga larawan ni Jason.

Una nang itinanggi ng dalawa ang intriga na naghiwalay na sila.

Ikinasal sila noong January 2019.

Sa isang interview noon, ibinahagi ni Moira na si Jason ang naging inspirasyon upang matapos niyang sulatin ang awiting Tagpuan na isa sa naging biggest hits niya.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: