Scandal ni Kiefer Ravena, inungkat ng netizens sa gitna ng hiwalayan nila ni Alyssa Valdez

Muling inungkat ng ilang netizens ang eskandalong kinasangkutan ng basketball player na si Kiefer Ravena noong 2017.

Ito ay sa gitna ng usapin ngayon ng hiwalayan nila ng volleyball player at former Pinoy Big Brother housemate na si Alyssa Valdez.

Matatandaan na noong 2017 ay kumalat ang screenshot ng Viber conversation ni Kiefer sa isang babae.

Kumalat din online ang ilang maseselang larawan ng basketball player.

Magkarelasyon na sila ni Alyssa noong mga panahong iyon.

Kalaunan ay humingi ng paumanhin si Kiefer sa kasintahan, at maging sa mga magulang niya.

At ngayon ngang napabalita na ang hiwalayan ng dalawa, muling lumutang ang issue ng sinasabing pagloloko na ng basketball player noon pa man.

Ang kampo mismo ni Alyssa ang nagkumpirma ng hiwalayan ng dalawa.

Sinabi rin nila sa pamamagitan ng isang official statement na walang third party sa nasabing hiwalayan.

Sa kabila nito, ilang netizens pa rin ang naglabas ng kanilang opinyon at ispekulasyon sa posibleng nangyari sa dalawang sports superstars.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: