Joshua Garcia, tuluyan na nga bang nabihag ang puso ni Bella Poarch?

Muli na namang napukaw ni Joshua Garcia ang atensiyon ng Filipino-American social media personality at singer na si Bella Poarch.

Sa latest Instagram post ng aktor, nagbahagi siya ng ilang topless photos niya mula sa kaniyang summer vacation.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)

Isa ang international TikTok sensation na si Bella Poarch sa mga nag-comment sa nasabing mga larawan.

Isang emoji na “😳” ang iniwan nito sa comment section na ni-reply-an din naman ng aktor ng “🤫” na emoji.

Agad namang kinilig ang ilang netizens sa palitan ng emojis ng dalawa.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang ay nai-feature na ni Bella si Joshua sa isang TikTok video.

Ito ay sa isang POV video niya na tila hindi mawala sa isip niya ang aktor habang nagluluto siya.

Mabilis itong nakahakot ng million views noon.

Maging si Joshua mismo ay napa-comment sa nasabing TikTok video.

At sa muli nga nilang palitan ng emojis ngayon, napatanong ang ilang netizens kung may espesyal nga bang namamagitan sa dalawa.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Pumila ka Bella. Dun ka sa likod.”

“Hindi porket sikat ka sa TikTok eh sisingit ka na sa pila. Andun po ang dulo ng mahabang pila.”

“oy, walang palakasan dito. Walang arti-artista sa pila. Haha”

“Lakas ng kamandag ni Joshua ah.”

“Ano kayang masasabi ni mareng Julia?”

“Naku, magagalit si Julia nyan. Ayaw ka nga niyang magjowa muna, di ba?”

“Sino ba naman kasi ang di kikiligin?”

“Jusme, nagkagulo na ang mga babae sa pahubad ni Joshua.”

“Akala ko ba tag-ulan na sabi ng PAG-ASA. Bakit bigla na namang uminit?”

“Ayan na naman ang mga thirsty comments. Hahaha”

“Bihira lang ito mag-post pero pag nag-post na, nagkakagulo naman talaga ang lahat.”

“Nakakailan ka na mareng Bella ha, sinabi na ngang may pila eh.”

“Kaya ko din naman magbuhok ng ganyan kay Bella ah. Ako na lang, Joshua. Hahaha”

“Julia B left the group.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bella Poarch (@bellapoarch)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: