Mensahe ni Zeinab Harake sa kaniyang unborn child, viral sa social media

Usap-usapan ngayon sa social media ang social media post ng vlogger na si Zeinab Harake tungkol sa unborn child nila ng rapper na si Skusta Clee.

Sa kaniyang Instagram stories, ibinahagi ni Zeinab ang larawan niya habang karga-karga si baby Bia at nakatayo sa harap ng urn ng kaniyang unborn child na si baby Moon.

Sa caption nito, nag-iwan siya ng mensahe sa dalawa.

“Kayong dalawa ang pinakamagandang nangyare sa buhay ko at kayang dawala den and ipaglalaban ko hanggang dulo dahil kayo ang lakas ko.”

“to my baby moon. we love u di, ka mawawala sa puso namin, igaganti ka ni mommy sa mga taong dahilan kung bakit ka nawala. gabayan mo kami ni God ha, miss ka na ni mommy sa tummy ko.”

As of this writing, deleted na ang nasabing IG story ngunit may mga netizens na agad na nakapag-screenshot ng nasabing post.

Agad na umani ng reaksiyon mula sa netizens ang nasabing post.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“wag kang gumanti hayaan mong ang diyos ang magparusa sa kanila. lahat naman ng mga bagay na ginagawa naten sa mundo may kapalit yan pag dating ng tamang panahon.”

“Ang pag babalik ni AMOR , matitikman nyo ang batas ng isang apiii.”

“Hindi matutuwa c Baby Moon mo Kong pinaiiral mo Yong galit sa puso mo,Dapat matoto kang mag patawad at si Lord na bahala sa mga taong Gumawa sayo Ng Hindi mabuti.”

“magiging mas masalimuot ang buhay kapag may halong paghihiganti.”

”galit ka lang kaya naiisip mo yan. pero kung may natitira ka pang pagmamahal sa sarili mo at pagmamahal sa mga taong mahalaga sayo lalo na sa baby mo pati ke moon, mas pipiliin mong ibigay nalang lahat ng nangyayari kay God.”

“forgiveness takes time ,but it doesn’t mean that you have to forget. take that pain, make that pain as a reason para makapag isip ka ng mas mabuting mga bagay. hindi ka palalayain ng bitterness. accept what happened, forgive, let go and let God.”

“Ang bilis tlaga ng mga marites nakapag screenshot agad🤣 digital n tlaga ang mga marites ngayon😂”

“Madali lng magsabi sa inyo na hayaan muna pero kung nasa sitwasyon kau ni zenaib maiintindihan nio sia ..godbless u zenaib pray lang pasadiyos mu nlng hayaan mu nlng karma ang maningel sa knila ..”

“Healing prayer for you. Been there, but if the pain eats you you’ll never enjoy life. You will leave Behind their shadows. And Moon will never like seeing her Mom like that. Time will heal all wounds. You are beautiful. Spend your time to the deserving one.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: