Hiwalayan nina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, umani ng iba’t ibang reaksiyon

Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang balita ng hiwalayan ng sports superstars na sina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena.

Unang naging usap-usapan ang break-up ng dalawa nang mapansin ng mga tagahanga nila ang pagpapalit ng dalawa ng profile pictures sa kanilang social media accounts.

Ngayong araw, May 26, ay kinumpirma ng kampo ni Alyssa ang hiwalayan ng dalawa matapos ang anim na taon na relasyon.

Ayon sa pahayag ng VMG Asia Management, walang third party sa nasabing hiwalayan.

“We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party. Let us avoid making up stories and spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private.”

Nakiusap din ang voleyball superstar at ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate na iwasan ang paggawa ng kuwento.

Ikinalungkot rin ng manager ni Alyssa na si Vania Edralin ang balita.

“It’s always sad to see people grow apart, but I am hopeful you’ll both find your way. Will always be here for you Ly. Love ü”

Samantala, patuloy na pinag-uusapan sa social media ng kanilang mga tagahanga ang hiwalayan.

Ang ilan ay nagpahayag ng sapantaha na maaaring nawalan na ng oras sa isa’t isa ang dalawa dahil sa pagiging abala ng mga ito sa kanilang mga karera.

Sa katunayan, sa isang interview ay ibinahagi ni Alyssa na minsan lamang silang nagkita nang personal ni Kiefer sa loob ng anim na buwan.

Naging abala sa basketball sa Japan si Kiefer habang abala naman sa ABS-CBN reality show na PBB si Alyssa bago ito sumabak sa SEA games kamakailan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: