Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, hiwalay na: Alyssa, may pakiusap sa publiko

“Please avoid making up stories & spreading false rumors. 🤍

“thank you for all the love. 💗”

Ito ang tweet ng volleyball superstar at ex-PBB housemate na si Alyssa Valdez sa gitna ng hiwalayan nila ng boyfriend na si Kiefer Ravena.

Sa isang official statement ng VMG Asia Management, kinumpirma nila ang pagwawakas ng anim na taon na relasyon ng dalawa.

Pinaalalahanan nila ang publiko na iwasan ang paggawa ng mga kuwento kaugnay ng issue.

“A lot of speculation has been made. We appreciate the concern but this decision does not involve any other party.

“Let us avoid making up stories and spreading false rumors.

“We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private.”

Nagpasalamat din sila sa mga tagahanga ni Alyssa na sumuporta sa kaniya sa mga nakalipas na taon.

Nilinaw rin nila na ito na ang huling pagkakataon na ia-address nila ang nasabing issue.

Hindi na rin umano sila magpapaunlak ng interview na may kinalaman dito.

Agad namang naging trending topic sa Twitter ang Kiefly — ang pinagsamahang pangalan nina Kiefer at Alyssa.

Narito ang ilan sa mga tweet ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: