Zeinab Harake, nagpapasaring nga ba kay Skusta Clee sa kaniyang tweet?

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang tweet ng vlogger na si Zeinab Harake.

Wala mang pangalang nabanggit sa tweet, tila may ispekulasyon ang netizens kung sino ang tinutukoy niyang ‘pangit’ sa kaniyang tweet.

Ayon sa ilang netizens, malinaw naman na ang rapper na si Skusta Clee ang pinapasaringan niya rito.

Ilang araw na rin kasing may pinagdaraanang kontrobersiya sa pagitan nila ng ama ng kaniyang anak.

Naging trending topic rin kamakailan si Skusta sa social media dahil na rin sa ilang posts nito.

Bagama’t na-delete na ang nasabing mga posts, patuloy pa ring kumalat ang screenshots nito.

Sa Facebook post ni Skusta na may pangalang Daryl Ruiz, tila may pinatutungkulan din ito sa tinawag niyang “not my baby.”

Sa isa pang post, may tinawag rin siyang “mababang uri ng tao.”

Wala rin naman itong binanggit na pangalan sa mga nasabing posts ngunit mabilis na nag-react ang mga netizens at iniugnay ito kay Zeinab.

Naging usap-usapan rin kasi sa social media ang kontrobersiyal nilang hiwalayan kamakailan.

Kaya naman sa cryptic post ni Zeinab, mabilis din itong iniugnay ng mga netizens kay Skusta.

Mabilis na nag-viral ang nasabing tweet at umani ng reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

”Bakit kasi ngayon mo lang nalaman? Hahaha”

”Matagal na naming alam, Zeinab. Ikaw lang itong nabulag. Peace! Hehe”

”Kaya hindi talaga totoo yung sinabi ni Andrew E na humanap ka raw ng nget-pa. lol”

”Oks lang yan,, Zeinab. Wag mo na ulit babalikan ha.”

”Move on na, Zeinab. Di niya deserve ang isang kagaya mo.”

”Baka naman magkakabalikan lang ulit kayo pagkatapos ng lahat ng ito ha. Hay naku.”

”Si Hashtag Wilbert na lang kasi. Mas bagay kayo.”

”Tama yan. Pagtawanan mo na lang sya ngayon.”

”Matagal na namin sinasabing di kayo bagay kaso wala eh. Binalikan mo pa rin. Haha”

”Nasa huli talaga ang pagsisisi.”

”Ayos lang yan. Tawanan na lang natin.”

”Wag ka nang magpapabudol ulit ha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: