Naging usap-usapan kamakailan sa social media ang intrigang paglipat umano ni Vice Ganda sa Kapuso network.
Naging maugong ang balitang ito matapos makipag-meeting kay Direk Bobot Mortiz na ngayon ay direktor ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7.
View this post on Instagram
As of this writing, wala pang nangyaring kumpirmasyon o pagtanggi tungkol sa isyu mula kay Vice.
Sa latest vlog ni Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel ay muling napag-usapan ang intrigang ito.
“Parang hindi naman yata totoong lilipat si Vice.”
Iyan ang ibinahagi ni Ogie matapos umanong makausap nang personal si Vice.
Katwiran nito, kahit naman daw hindi lumipat si Vice ay napapanood na ang mga shows at pelikula niya sa ibang mga channel kung saan ipinapalabas ang mga content ng ABS-CBN ngayon.
Sa katunayan, napapanood na rin ang mga pelikula niya sa GMA7 matapos magkaroon ng partnership ang Kapuso network at ang Kapamilya network.
Kahit hindi na raw lumipat ay nakikita na rin siya sa mga kalabang network ng ABS-CBN.
Naging palaisipan kasi sa ilang mga tagahanga niya na maaaring totoo nga ang balita ng paglipat niya ng network matapos niyang mamigay ng early Christmas gift sa lahat ng It’s Showtime staff kamakailan.
Sa isang episode ng noontime show ay namigay siya ng tig-limang libong piso sa lahat ng staff ng nasabing programa.
Ito ang naisip ng ilang viewers na maaaring pa-despidida na niya o pa-last day sa mga kasamahan sa show.
Nakadagdag pa na hindi na siya kasama sa panel of judges ng Idol Philippines sa ikalawang season nito.
Kuwento pa ni Ogie, masaya raw si Vice sa It’s Showtime kahit na kung minsan ay nagkakaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan.
Nilinaw rin niya ang tungkol sa nangyaring meeting sa pagitan ni Vice at Direk Bobot.
Tungkol raw ito sa isang concert ni Vice na gaganapin sa Dubai, at walang kinalaman sa paglipat ng network.
Ibinahagi rin ni Ogie na mga apat na taon nang walang kontrata si Vice sa ABS-CBN.
Hindi na umano kailangan ni Vice ng kontrata dahil nasa It’s Showtime naman siya.
At patunay dito na hindi naman ito umaalis o lumilipat ng network kahit na nga ilang taon na siyang walang kontrata.
View this post on Instagram