Lolo na hindi pinapasok sa car showroom dahil sa itsura, sa kabilang car company bumili

Viral ngayon sa social media ang isang Facebook post na nagkuwento tungkol sa diskriminasyon na naranasan ng isang matandang lalaking customer ng isang car company.

Sa post ni Love Alejandria-Dorego, ibinahagi niya ang kuwento ni Tatay Manuel na hindi umano pinayagang pumasok sa loob ng isang showroom ng mga sasakyan.

Ayon sa kaniya, maaaring hindi ito pinapasok dahil nahusgahan agad ito sa kaniyang pananamit.

“Maybe because of his outward appearance, wearing very old and stained clothes, dilapidated and holed shoes, and a dirty mask.”

Dahil sa naranasan, lumipat ang matanda sa katabing showroom at malugod naman itong inasikaso ng mga staff doon.

Matapos makapamili ng modelo ay sinabi nitong bibili siya nang cash.

“He walked into our Showroom at Lanang but we didn’t hesitate to let him in and entertained him, asking what unit he wants to inquire about, he said he wants to buy a unit.

“After presenting our displayed cars he decided to buy the S-presso he said he’ll pay it in cash, but, he will go back the next day because he didn’t bring his money with him being afraid to bring the cash while riding a bus and a jeepney.

“Indeed, the next day he came back and my Sales Executive Michael accompanied at home to get the full payment using the car of our branch head Sir Donnie.”

Isa palang retired teacher ang nasabing matanda.

“Tatay doesn’t have a family, he said a woman just took advantage of him and took his money away. He is a retired Teacher.”

 

Sa dulo ng post, ipinaalala ni Love na tratuhin natin ang bawat isa nang pantay-pantay.

“LESSON LEARNED: NEVER UNDERESTIMATE ANYONE. TREAT EVERY PERSON EQUALLY.”

Mabilis na nag-viral ang nasabing post at umani ng iba’t ibang komento mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Actually, kung sino pa yung magaganda ayos, yun pa mga walang pera at puro utang”

“Hehe wag kasi muna husgahan ang isang tao ang tunay na mayaman hindi pormang pang mayaman ang feeling mayaman pormang pangmayaman”

“For sure whoever sales person and the security guard from that company needs to learn from what they did. Clearly it says “Don’t judge the book by its cover”

“Ang tunay n my pera hinde yan nag papahalata na my pera takot yan mahold up, kaya mag papangap yan na mahirap, yong mga walang pera, nag papangap n mayaman”

“Bakit nga kaya ganun ang ibang tao? Na experience ko din ito sa pagbili ng motor. Syempre mag canvass ka muna kung ano ang mas magandang bilhin pero ayaw akong asikasuhin dahil lang sa itsura at kasuotan ko.”

“Kala ko sa mga drama lng nangyayari ganyan..sa totoong buhay din po pala..Dont Judge the book  by its cover..”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!