Angeline Quinto, pineperahan nga lang ba ng boyfriend?

Diretsahang pinabulaan ng tinaguriang Queen of Teleserye Themesongs na si Angeline Quinto ang paratang ng pera lamang ang habol sa kaniya ng ama ng anak niya at kasalukuyang boyfriend na si Nonrev Daquina.

Sa kaniyang latest YouTube vlog, sinagot nina Angeline at Nonrev ang ilang komento ng netizens tungkol sa kanilang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Sa isang bahagi ng vlog, diretsahang tinanong ni Angeline ang boyfriend kung pera lang ba ang habol nito sa kanya.

“Nakakatawa kasi itong tanong na ito, e. E, may mga tao talaga na ganyan ang iniisip kay Nonrev.

“So Bhe, pag sinasabi ng iba kasi, kaya mo daw ako jinowa para perahan lang. May mga ganun silang sinasabi.”

Natatawa namang sumagot ang kaniyang boyfriend sa paratang.

“Ako talaga yung pineperahan dito.”

Sumang-ayon naman dito si Angeline.

“Para malinaw sa lahat, hindi niyo lang alam, sa totoo lang mga ka-Twinkle, hindi ako pineperahan ni Nonrev. Ako yung namemera sa kanya. Totoo ‘to!

“Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa phone ko. So, every time magkukulang yung pera ko pambayad sa Grab, ganyan-ganyan, sa kanya ako nakikiusap.

“’Tapos, magugulat na lang ako, nakalista lahat. E, sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga yun kasi hinihiram ko talaga.”

“Lalo na nung buntis ako, ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling araw, wala talaga akong cash.

“Yung GCash niya, ubos na. So, from bangko niya, magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad, nakakatawa yun.

“So yun, para lang malinaw sa inyo ha? Hindi ako pineperahan nito, ako pa yung namemera sa kanya, sa totoo lang.

“Bigayan naman kaming dalawa. Kapag meron naman siyang gusto at kaya ko namang bilhin, binibigay ko naman. Pero wala namang moments na namemera.

“Wala naman pong ganun. Kung sakaling gawin niya sa akin ‘yun, bahala na siya.”

Agad namang umani ng komento mula sa netizens ang nasabing vlog.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Hayaan na natin kung totoo man, pera naman niya yun. Haha”

“Bakit kailangan pang mag-ungkatan ng utang? Magjowa naman. Saka may anak na sila.”

“Ay, may paglista pa? Eh binuntis mo yan, dapat lang na gastusan mo.”

“Asawa mo na yan ngayon ah. Bakit kailangan pang mag-ungkatan ng gastos.”

“Baka mas mapera si Angge kaya ganun.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: