Mga Larawan nina Diego Loyzaga at Franki Russell, patuloy na pinagpipiyestahan kahit deleted na

Mabilis na kumalat sa social media ang ilang larawan ng aktor na si Diego Loyzaga at ng ex-PBB housemate na si Franki Russell.

Si Franki mismo ang nag-upload ng mga nasabing larawan sa Instagram account nito.

 

 

Di nagtagal ay deleted na ang nasabing mga larawan.

Bagama’t na-delete agad, maraming netizens ang nakapag-save o screenshot na ng mga ito.

Dahil dito, mabilis ding umugong ang ispekulasyon na maaaring may namamagitan na nga sa dalawa.

Tila hindi kasi maitatanggi ang sweetness at closeness nilang dalawa sa mga kumalat na larawan.

Hindi rin naiwasan ng mga netizens na banggitin ang pangalan ng aktres na si Barbie Imperial sa issue.

Si Barbie ay ang dating kasintahan ni Diego nang mahigit isang taon.

Naghiwalay ang dalawa noong Pebrero lamang ng taon na ito.

Narito ang ilang komento ng netizens tungkol sa mga nasabing larawan (published as is).

“Kaya naman pala ang bilis na naka-move on nitong si Diego. May kapalit agad.”

“Mahilig sa housemates ni Kuya ha. Kabahan ka na Gerald, ikaw na ang kasunod. Haha”

“Wala pang three months may bago na agad? Iba din!”

“Kung walang malisya, bakit kailangang i-delete din agad?”

“Wala eh, nai-post na. Mahirap na bawiin kahit deleted na.”

“Kahit mabilis kang nag-delete, mabilis din naman ang mga Marites, so wala din. Hahaha”

“Hindi na lang sana niya dinelete para di na nabigyan pa ng malisya.”

“Kahit pa dinelete mo, marami nang nakakita. Pag-uusapan talaga kayo.

“O baka naman kasama sa plano ang pag-delete agad para mas mapag-usapan talaga? Hahaha”

“Ayan, instant talk of the town tuloy kayo.”

“Think before you click daw kasi.”

“Di mo na pwedeng bawiin, pinagpiyestahan na ng mga Marites eh. HAHAHA”

“Bilis maka-move on ni Kuya ah. Nung February lang sila naghiwalay ni Barbie ah.”

“Move on na, mga Marites. HAHAHA”

“Mahirap nang i-deny yan. Kitang kita naman ang sweetness.”

“Baka napagalitan n gmanager kaya nag-delete agad. Hehe”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Franki Russell (@missfranki)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Franki Russell (@missfranki)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: