Usap-usapan sa netizens ang isang restobar sa Oroquieta City, Misamis Occidental dahil sa kakaibang paraan nito ng pagde-deliver ng mga order ng kanilang customer.
Sa halip na tipikal na sasakyan, kabayo ang gamit nila sa kanilang delivery.
Ito ang ipinagmamalaki nina John Wilfred Hatague at Katrina Roseng, may-ari ng Chopstick Restobar.
Agaw-atensiyon ang kanilang delivery gamit ang kabayong pinangalanan nilang “Happy.”
Ayon sa kanila, malaki ang advantage ng pagkakaroon ng horseback-riding delivery service dahil mas tipid sa mahal na gasolina at environment friendly pa ito.
Nabili raw nila ang kabayo sa halagang P16,000.
Ginagamit lamang nila ito for delivery service up to five times a day.
Hindi rin daw mabilis ang pagpapatakbo ng kabayo para hindi masira ang dalang pagkain.
Puro mga “dry food” lamang daw ang tinatanggap nilang order para sa horseback delivery.
Ang nasabing horseback delivery ay pangmalapitan lamang para hindi madaling mapagod ang kabayo.
Wala ring delivery charge sa horseback rider delivery sa kanilang restaurant.
Agad na dinagsa ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang nasabing post.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Dapat bisikleta na lang. Tipid din naman sa gas yun ah.”
“Nakakatuwa lang siyang tingnan pero parang nakakaawa sa kabayo. Haha”
“Maka-order nga ng cake at halo-halo sa ganyan. Hahaha”
“Yung umorder ka ng pagkain tapos pagdating sa’yo ay magkakahalo na. Haha”
“Si Lito Lapid ang delivery rider. Hahaha”
“Yung milk tea mo, milk shake na pagdating. Haha”
“Pag umorder ka ng spaghetti, nakahalo na nag sauce pagdating sa ‘yo. Haha”
“Kahit dry food lang ang pwedeng orderin, siguradong aalog pa din naman.”
“Kahit anong ingat ng delivery rider, posible pa ring maalog ang pagkain.”
“Kapag umorder ka ng halo-halo, kakainin mo na lang pagdating sa ‘yo. Haha”
“Libre halo na sa pagkain mo. Hahahaha”
“Aliw ang mga comments. Laptrip. Haha”
“May sabaw na ang ice cream mo pagdating. haha”
“Yung sinigang mo, ubos na ang sabaw pagdating. Haha”