Vice Ganda sa mga bashers: “Mas marami ba kayong pera ngayon? May jowa ba kayo?”

Idinaan ni Vice Ganda sa sarcasm ang kanyang mensahe para sa kanyang mga bashers.

Ipinamukha ng tinaguriang Unkabogable Superstar sa kanyang mga bashers na hindi uubra ang panghuhusga o paninira ng mga ito sa kanya.

Sa pamamagitan ng isang TikTik video ay nagbigay siya ng mensahe para sa mga ito.

“Oh my god! Ang fresh ko ngayon. And I realized ang laki pala talaga ng na-improve ng hitsura ko kumpara dati, ‘no? Wow!

“And I also realized upon checking my checkbook, mas marami pala akong pera ngayon, mas yumaman pala ako this year.”

Ipinagmalaki rin niya ang masaya nilang relasyon ng boyfriend na si Ion Perez.

Kamakailan lang ay nagdiwang na sila ng kanilang third anniversary bilang magkasintahan.

Isa rin kasi sa paboritong batikusin ng mga bashers niya ay ang relasyon nilang dalawa.

“And also, I checked my room, andun pa rin yung jowa ko nagpapahinga.

“Yes, kami pa rin. Masaya pa rin kami. Three years na.”

“And earlier, I also checked on my mom. Sobra niyang happy kasi kagagaling lang namin sa Amerika. And sobra raw siya nag-enjoy kaya ang saya-saya niya.”

Kauuwi pa lamang ni Vice mula sa Amerika kung saan siya nagkaroon ng successful concert.

Kasama niya doon ang kanyang ina na sinamantala na rin ang pagkakataon na makapagbakasyon.

“And also, I checked from my handler, may mga bago pala akong awards.

“Oh my gosh! Andami ko palang achievements!”

Dito na siya nagsimulang maglitanya sa mga bashers niya.

“Now I wanna ceck on my bashers. How are you guys?

“Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo kaysa dati?

“May jowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kumusta nanay niyo? Pamilya niyo? Okay ba kayo?

“May mga bago ba kayong achievements?”

“Ha?! Hindi?! Syet! Ang lungkot nun, ha!

“Nakakaloka! Hindi? Ang sad.”

Dito na niya pabirong kinausap ang kanyang driver at sinabing dumaan na muna sila sa simbahan.

“Kuya, daan muna nga tayo sa simbahan.

“Ipagdadasal ko lang ang mga bashers ko para umasenso naman. Kawawa.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: