Pang-aasar ni Vice Ganda sa mga bashers niya, dinagsa ng komento ng netizens

Nag-react ang ilang netizens sa isang TikTok video ni Vice Ganda kung saan nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang mga bashers.

Malinaw na sarcasm ang sadya ng nasabing video ngunit tila hindi ito naintindihan agad ng ilan na patuloy na bumabatikos sa kanya.

Sa simula ng video ay buong-pagmamalaking ibinahagi ng TV host-comedian ang buhay niya sa ngayon.

Ipinagmalaki niya ang three-year relationship nila ng boyfriend na si Ion Perez.

Ibinahagi rin niya ang kaligayang dulot sa kanya ng kasiyahan ng nanay niya, at maging ang mga awards na nakuha niya kamakailan.

“Now I wanna check on my bashers. How are you guys?

“Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo kaysa dati?

“May jowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kumusta nanay niyo? Pamilya niyo? Okay ba kayo?

“May mga bago ba kayong achievements?”

“Ha?! Hindi?! Syet! Ang lungkot nun, ha!

“Nakakaloka! Hindi? Ang sad.”

Dito na niya pabirong kinausap ang kanyang driver at sinabing dumaan na muna sila sa simbahan.

“Ipagdadasal ko lang ang mga bashers ko para umasenso naman. Kawawa.”

Panoorin ang nasabing video dito.

@unkabogablevicegandaFact Check ##foryou

♬ original sound – Vice Ganda

Mabilis na nag-viral ang nasabing video at umani ng reaksiyon ng kanyang mga tagahanga.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Pustahan tayo marami pa ring bashers ang magpupuputak dahil nila gets ang sarcasm. Haha”

“Vice made a very good point. Patuloy siyang bina-bash pero patuloy rin siyang nagtatagumpay.”

“Inuulan siya ng blessings kaya inuulan din ng bashers.”

“We’re with you, Vice. Dedma na lang sa mga ganyan.”

“Minsan talaga dapat ding patulan nang ganyan yang mga walang magawang matino sa buhay.”

“Sa comment section mo makikita na maraming Pionoy ang mahina pagdating sa c0mprehension.”

May ilan namang patuloy lang siyang tinuligsa sa kanyang mga sinabi.

“Akala mo naman maiinggit kami sa kanya.”

“Kailangn mo talagang ipagmayabang yung mga yan?”

“Manahimik ka dyan. Konting humility naman.”

“Bakit parang naging matap0bre ka na?”

“Di ka nakakatuwa. Period.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: