Usap-usapan ngayon sa social media ang isang bagong silang na sanggol sa South Cotabato na pinaniniwalaan ng ilan na may dalang suwerte.
Ibinahagi ng Facebook page ng GMA-7 show na Kapuso Mo, Jessica Soho ang ilang larawan ng nasabing sanggol.
Makikita sa mga larawan na tila may kadikit itong kakambal na hindi nabuo.
Ayon sa ina ng bata na si Angie, maraming nagsasabing may dalang suwerte ang kanyang anak.
“Nu’ng lumabas siya, nagulat po ako sa nakita ko!
“Nakapatong po kasi sa leeg niya ‘yung dalawang paa. Sa gitna, may dalawang kamay.
“Ang nasabi ko na lang, ‘Diyos ko!’
“Habang lumalaki ‘yung bata, lumalaki rin ‘yung nakapatong sa kanya.
“May mga nagsasabing swerte raw ‘yung anak ko.
Kaya araw-araw, lima hanggang sampung tao ang pumupunta rito para makita siya.
Pero ang sa akin po, bilang ina, napakahirap na makita na nahihirapan ang anak mo.”
Mabilis na nag-viral ang nasabing post at umani ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens.
Narito ang ilan sa kanilan mga komento (published as is).
“Hindi ako sigurado dahil di rin naman ako eksperto sa medical terms pero mukhang HETEROPAGUS (PARASITIC) TWIN yan. Kasi hindi siya fully developed at naka attach lang sa katawan ni baby.”
“Pero pwede pa namang operahan yan as long as hindi komplikado yung parte kung saan naka attach at para hindi na rin mahirapan yung bata. For sure magiging tampulan ng diskriminasyon at pambubully ang bata sa kanyang paglaki.”
“Kawawa c baby sana matulungan cya para maoperahan. God bless u baby”
“Naalala ko yung sa province din namin, 2 naman ulo, mag kamukhang magkamukha, iisa leeg pababa sa katawan.. pero unfortunately minutes lang yun babies then nawala na rin sila, sa bahay pa yun pinanganak, naalala ko yun kahit elementary palang ako, hay.. sana maoperahan si baby.. para normal na childhood ang maexperience pag laki nya..
“Hindi swerte tawag sa mga ganyan. Pag may condition kailangan po ipa check up. Paano po naging swerte kapag ganyan ang condition ng bata. Kailangan po ipa kulsulta sa doctor o specialist para malaman ang kalagayan ng sanggol.”
”Paanong naging swerte yan eh kalbryo yan para sa bata, tapos pagkakaguluhan ninyo upang mkamit nyo lamang ang pansariling swerte? LNTIK kayo at sa kab0bohang paniniwala ninyo.”
“Ang Maswerte dito ay yung mga magulang dahil biniyayaan kayo ng Panginoon ng Isang Bata na kung saan dito rin masusubok ang inyong kakayahan kung hanggang kelan niyo ito kakayanin, syempre bilang Isang magulang Lahat kakayanin mo alang alang sa ikabubuti ng iyong mga Anak , Every Child Is a Blessing From God , God Blessed and Keep safe po.”
“Swerte sya dahil sinilang sya sa mundo pero nakakalungkot yung kalagayan nya kasi habang lumalaki sya lumalaki din yung nakapatong sa kanya it means lalo syang mahihirapan sa kalagayan nya habang palaki sya ☹️🙏 in Jesus Name nawa maoperahan na si Baby”