Isang constestant sa Lunch Out Loud, sinaniban ng masamang espiritu?

Usap-usapan ngayon sa social media ang video footage ng isang contestant sa TV5 noontime show na Lunch Out Loud na sinapian umano ng masamang espiritu.

Sa video na ibinahagi ng Facebook page ng Rated Korina, makikita ang actual footage ng nasabing pangyayari.

Narito ang caption ng nasabing post:

“Nagkagulo sa set ng noon time show na Lunch Out Loud last week!

“Yung isang contestant biglang nanlisik ang mata, nagsisigaw nag-ibang boses at nananakot ng katabi.”

Kumbinsido umano ang mga hosts at staff ng programa na sinapian nga ang nasabing contestant.

“Convinced ang mga artista at staff na sinaniban daw ng demon ang contestant na si Jane.”

Mabilis na nag-viral ang nasabing post at umani ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

”Nakakatakot din siguro talaga pag andun ka sa mismong ganyan.”

”Nakakakilabot naman si ate. Dapat chill lang. Happy happy lang. Haha”

”In fairness, convincing ang acting ni ate. Hahaha”

”2021 na, naniniwala pa rin kayo sa ganyang palabas?”

”Obvious namang scripted lang at akting na akting si ate. Gawa-gawa lang siguro para mapag-usapan ang show.”

”Bakit tuwing November, may ganyan? Kapag ibang buwan naman, wala? May schedule sila?”

“Bakit parang scripted ang lahat? Naghihintay pa ko sa dulo ng magsasabi na prank lang ang lahat. Haha”

”Kung prank man yan, hindi nakakatuwa. Hindi magandang gawing biro ang ganyan.”

“Mas maniniwala ako kung nag-iba ang anyo ni ate. haha”

“Ang galing ni ate ah. Pang best actress ang ganapan. Hehe”

“Bigyan ng jacket si ate. Haha”

”Totoo ang ganyan. May kapitbahay kami dati na sinasapian. Maraming ayaw maniwala pero sige lang.”

“Maniniwala ako dyan kung nag-iba siya ng lengwahe.”

”Ingat ingat din tayo sa ganyan. Baka magkatotoo.”

“Haloween kasi kaya dapat sunod sila sa uso.”

”Nasaan si Ed Caluag? Hahaha”

”Totoo may ganyan. Nakakita na kami dati ng aktwal na ganyan. Di ko lang sure kung totoo yang kay ate o scripted lang ang lahat.”

Panoorin ang nasabing video footage dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: