Lalaking guro sa viral TikTok video, binansagan ng netizens na “tirador ng estudyante”

Usap-usapan pa rin ngayon sa social media ang isang lalaking guro sa viral TikTok video.

Sa nasabing video, makikitang sumasayaw ang guro habang may caption na:

“Pag dumaan yung cute na student mo, tamang pa cute lang.”

Dahil sa nasabing video, agad na ipinag-utos ng Department of Education na imbestigahan ang guro dahil sa posibleng child abuse action.

As of this writing, burado na ang nasabing video.

Nag-deactivate na rin ng kanyang TikTok account ang nasabing guro.

Dahil na rin sa viral video, ilang netizens ang nagbansag sa netizens na “tirador ng estudyante.”

Ayon sa kanila, hindi magandang halimbawa sa mga estudyante ang aksiyon na ipinakita nito.

Anila, bagama’t maaaring biro lamang para sa guro, hindi pa rin umano magandang tingnan lalo na at pangalawang magulang ang turing sa mga guro.

Tila pinapalabas daw kasi sa video na ayos lang na ma-attract at magpa-cute ang isang guro sa kanyang mga estudyante.

Samantala, may ilang netizens naman na nagtanggol sa nasabing guro.

Ayon sa kanila, halata namang biro lamang ang eksena na nasa video.

May asawa at anak din daw ang nasabing guro.

Narito ang ilan pa sa mga reaksiyon at komento ng netizens hinggil sa isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: