Viral ngayon sa social media ang larawan ng dalawang aso na nagligtas sa mga anak ng kanilang amo mula sa nasusunog nilang bahay sa Upper Bicutan, Taguig.
Sa Facebook post ni Rommel Tuyay, idinaan niya ang pasasalamat at pagpupugay sa mga alagang aso na itinuturing na niyang mga bayani.
“Ito Po Ang 2 aso n ngligtas s Buhay Ng 2 anak q, thank you Lord.
“Paalam s 2 pinakamamahal Kong mga alaga n Hindi bilang hayop,kundi bilang tao Ang Turing nmin s kanila.
”ksama s Bahay katabi s pagtulog atsila Rin Ang ngbibigay kasiyahan s tuwing kami ay umuuwi s Bahay.
Dito rin niya ikinuwento na ang dalawang alaga ang gumising sa natutulog niyang mga anak noong kasagsagan ng sunog.
Sa kasamaang palad ay hindi na nakaligtas ang mga aso nang mabagsakan ng yero.
“Sila Po Ang gumising s 2 Kong anak Nung kasagsagan Ng sunog dahil natutulog Ang 2 anak q,at s kasamaang palad Ang mga aso q nman Po Ang Hindi nakaligtas natamaan cla Ng mga bumagsak n yero kaya nd npo cla nakalabas.
“Salamat s mga alaga ko,hinding Hindi q kau makakalimutan dahil s kabayanihang ginawa nio para s mga anak q,Wala man naisalba gamit pero my naisalba nman kau 2 Buhay mahal n mahal nmin kau.
“Hanggang s muli SAKURA at BERRY andto lang kau s puso nmin.Rest in Peace aming mga alaga…..”
Mabilis na nag-viral ang nasabing post at umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
”Rest in peace, little heroes.”
”Naiyak ako nung nabasa ko yung kabayanihan ng mga aso.”
”Iba talaga ang mga alaga natin. Ibubuwis nila ang buhay nila para sa atin.”
”Yan ang kainaman ng may alagang hayop.”
“Yung sila ang nagligtas pero hindi sila nailigtas.”
”Kaya maging mabait tayo sa mga alaga natin. Di natin alam kung anong pwedeng mangyari.”
”Napakababait na alaga.”
”They are now your little angels in heaven.”
”Naging literal na bantay sila Bantay.”
Bisitahin ang nasabing post dito.