Delivery rider na kasama ang sanggol na anak sa trabaho, dinagsa ng tulong

Nag-viral sa social media ang larawan ng isang food delivery rider na kasa-kasama sa trabaho ang anak na sanggol.

Nakalagay ang sanggol sa basket ng bisikleta na gamit ng batang rider na inabot na ng gabi sa pagtatrabaho sa isang kilalang food delivery service.

Ang mga larawan ay kuha ng netizen na si Jeremiel Flores na siya ring nag-upload ng mga ito sa kanyang Facebook account.

Narito ang caption ng nasabing post.

“Tinanong ko po sya kung wala ba sya mapag iiwanan sa baby nya.

“Wala daw po kasi nagwowork din daw po yung asawa nya at nakikitira lang po sila sa tito nya.

Ang nasabing Rider ay si Hershey Manuel.”

Mabilis na nag-viral ang nasabing mga larawan at umani ng reaksiyon ng netizens.

Marami ang nagpahayag ng paghanga sa delivery rider na ipinagpapatuloy ang pagtatrabaho kahit na kasa-kasama ang anak.

May ilan din namang nag-alala para sa bata lalo na nga at nasa panahon pa rin tayo ng pandemya.

Marami rin ang nagtanong kung paano makokontak ang nasabing delivery rider para mabigyan ng tulong.

Natukoy naman ang rider bilang si Hershey Manuel ng San Pedro, Laguna.

Dahil sa pagdagsa ng tulong, nag-post si Hershey sa kanyang Facebook account ng pasasalamat.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbigay po ng tulong samin ng anak ko.

“Pati po sa mga nagpadala sa gcash.

“Lahat po ng pera, gamit at pagkain na pinadala nyo ay malaking tulong po sa aming pamilya Lubos po akong nagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyaya na natatanggap ko.

“Pagpalain po kayong lahat ng Panginoon!”

Maging ang ABS-CBN star na si Jane De Leon ay pinasalamatan nito.

“Maraming maraming salamat po Darna Jane De Leon at sa buong team po nila.

“Hinding hindi ko po malilimutan to na pinuntahan nyo pa po kami at kayo po mismo nagchat sakin para matulungan kami kahit sobrang busy nyo po.

“Pagpalain pa po kayo lalo ng Panginoon para marami pa po kayong matulungan. Maraming maraming salamat po talaga 😭🙏

“May Ninang na Darna na ang anak ko. 🥰♥️”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: