Past issue nina Albie Casiño at Andi Eigenmann, binalikan ng netizens kasunod ng mga tirada ni Albie kay Andi

Matapang ang mga naging pahayag ni Albie Casiño kamakailan tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Sa Kumu livestream ng aktror noong Martes, October 26, ay ibinunyag niya na hindi totoong humingi ng paumanhin sa kanya si Andi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)

“I don’t care, dude. I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she moved on.

“So, right, I can finally talk about it now. I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they ask.

“I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean? I’m not gonna hold my tongue so you can look good anymore.”

Dahil sa pahayag niyang ito, naungkat muli ng netizens ang issue na pinagmulan ng nasabing pahayag ng aktor.

Taong 2011 nang magsimulang umugong ang balita na buntis ang noo’y 20-taong gulang na si Andi.

Kakalunsad pa lamang kay Andi noon bilang bida sa ABS-CBN teleserye na Agua Bendita.

Ang ina niya na si Jaclyn Jose pa mismo ang nagkumpirma ng balitang ito sa TV Patrol.

Ibinunyag din nito na ang first boyfriend umano ni Andi ang ama ng ipinagbubuntis nito at na hiwalay na ang mga ito.

Maliban kay Albie, natsismis din noon na si Jake Ejercito ang posibleng ama ng anak ni Andi.

Si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Erap Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Si Jake kasi ang naging boyfriend ni Andi nang maghiwalay sila ni Albie.

Ngunit nagkabalikan ulit sina Andi at Albie nang bumalik si Jake sa London.

Humiling ang kampo nina Albie noon na magpa-DNA test para masiguro na sa kanya nga ang ipinagbubuntis ni Andi.

Tinutulan naman ito ng ina mismo ni Andi na si Jaclyn.

Sa kabila ng lahat ng ito, pinanindigan ni Andi ang pagtuturo kay Albie bilang ama ng kanyang anak.

Dahil sa nasabing kontrobersiya ay naapektuhan nang husto ang career noon ni Albie.

Nagsisimula pa lamang noon ang tagumpay ng tambalan nina Albie at Kathryn Bernardo.

Si Albie sana ang ka-partner ni Kathryn sa TV series na Growing Up at pelikulang Way Back Home bilang follow-up sa tandem nila sa Mara Clara.

Nagdesisyon noon ang ABS-CBN management na tanggalin si Albie sa mga nasabing proyekto.

Pinalitan siya ni Daniel Padilla sa TV series at doon na nga isinilang ang sikat na tambalang Kathryn at Daniel o KathNiel.

Ilang buwan matapos magsilang ni Andi, nagkrus ang landas nila ni Albie sa isang bar sa Makati.

Hindi naging maganda ang nasabing pagtatagpo dahil sinampal umano si Albie ni Andi at kinuyog pa ng mga kasamahan nito.

Itinanggi naman ng aktres na may kinalaman ito sa pambubugbog.

Taong 2016 na, o limang taon mula nang ipagbuntis ni Andi ang anak na si Ellie, kinumpirma ng kapatid niyang si Max Eigenmann na si Jake nga ang biological father ni Ellie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

Ayon pa rito, nagsagawa raw ng DNA test para matukoy kung si Jake nga ba ang ama ng bata.

Sa kabila ng lahat ng mga pangyayari, wala umanong natanggap na apology mula kay Andi si Albie hanggang ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: