Cristy Fermin, sinermunan si Nadine Lustre: “Ikaw na h*tad ka, ayaw mo magdamit.”

Sa tingin ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, may pagkakamali rin ang aktres na si Nadine Lustre kung bakit ito naging biktima ng body-shaming kamakailan.

Matatandaang isang netizen ang nagkomento kamakailan sa isang larawan ni Nadine na napansin nitong tumataba na ang aktres.

Nag-react dito ang aktres at tinawag itong body-shaming.

Ngunit para sa kolumnista, si Nadine mismo ang nagbibilad ng katawan nito sa Siargao kaya mas napapansin ng publiko ang pagbabago sa katawan nito kung nadadagdagan man ang timbang nito.

Sa kanyang radio show na Cristy Ferminute, lantarang pinuna ni Cristy ang pagsusuot ni Nadine ng two-piece swimsuit.

“Si Nadine pumapa-show sa Siargao… Lakad nang lakad, rampa nang rampa na naka-two-piece. 

“Ewan ko, ‘no, kung bakit ayaw niya magdamit. Wala naman nagbabawal sa kanya.

“Tapos ngayon nagiging sentro siya ng body shaming. Sabi ng isang netizen, ‘Napansin ko na tumataba ka na, ingat-ingat.’ Anong masama dun?”

Pinayuhan pa ng kolumnista ang aktres na gumamit ng balabal kung lalabas ito sa public place sa Siargao.

“Ikaw na hit*d ka, ayaw mo magdamit. Pa-show ka nang pa-show kahit saan.

“Bibili ka lang ng litson, ng sarsa, kitang-kita buong katawan mo.”

Ang tinutukoy ni Cristy ay ang nag-viral na larawan ng aktres noon kung saan makikitang bumibili siya ng sarsa ng litson sa isang tindahan.

“Para di ka naba-bash, magtapis ka. Andami-dami namang binebentang pandong dun, di ba. Itago mo yung katawan mo.”

Dagdag pa ni Cristy, binibigyan lang ni Nadine ng dahilan ang publiko para mapag-usapan siya.

“E, ano inaasahan mo na ganyan pinapakita mo buong katawan mo?

“Kung ayaw niyo pasukin ng netizens at mga bashers at trolls ang inyong buhay, ipinid niyo, iikaw ang magsara.”

Mabilis namang nag-react ang mga tagahanga ng aktres sa naging komento ni Cristy.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“Jusme, nagsawa ka na ba kay Kylie kaya lumipat ka na kay Nadine?”

“Nasa Siargao siya, nasa beach, ano ba dapat ang suot long gown ba?”

“Lahat na lang issue para sa babaeng ito.”

“Deserbve din ng mga artista ng respeto. Tao lang din naman sila.”

“Hindi sapat na dahilan para bastusin ka dahil lang sa suot mo.”

“Ano ba naman Cristy, babae ka pa rin naman.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: