Iniimbestigahan na umano ng Department of Education (DepEd)-Panabo City ang school principal na muntik nang manaksak ng isang delivery rider sa isang viral video.
Matatandaang nag-viral sa social media ang isang video na kuha ng isang delivery rider at ini-upload ng Facebook page na Tagumeño Disiplinado 2.0.
Kuha sa video ang ginawang pag-amba ng gunting ng asawa ng isang customer sa delivery rider.
Inirereklamo kasi ng misis nito na mali ang dumating na order at hinihingan ng refund ang nasabing delivery rider.
Mabilis namang nahanap ng netizens ang identity na lalaki sa viral video.
Napag-alaman nilang isa pala itong public school principal sa Panabo City, Davao del Norte.
Kinumpirma ni DepEd-Panabo Spokesperson Raul Gacus na empleyado nga ng DepEd ang nasabing lalaki sa viral video.
Kaka-promote lang din nito bilang supervisor ng DepEd Panabo City Division.
“This is an eye-opener to all teachers that when it comes to situations like this, treat it very cool and deal with it in a proper way. Even if naa sila sa ilang panimalay (they are only within their residences), they bring the name of the office.”
“Since they are in the academe, they must promote social communication and social dealing in public. They must not result to the highest utmost of their anger.”
Samantala, nilinaw rin ni Department of Trade and Industry (DTI)-Davao Director Maria Belenda Ambi, na hindi responsibilidad ng delivery rider na alamin kung tugma ang item na idine-deliver niya sa inorder ng customer.
“Mali gyud tong gihimo sa principal. Actually, dili man responsible ang delivery boy because ang role ra gyud nya is i-deliver ang (The principal was wrong in the situation. Actually, it is not the responsibility of the delivery boy because his role was only to deliver the) item and get the payment.”
Mas nararapat umanong ang customer ang kumontak sa supplier o seller sa anumang tanong o reklamo nito tungkol sa item na inorder nito.
Sa nsabing viral video, ipinaliwanag ng delivery rider sa customer na hindi niya pupwedeng pagbigyan ang request nitong refund dahil ang customer ang dapat na kumontak sa seller.
Tila ito marahil ang hindi naintindihan ng mister na customer kung kaya’t nauwi ito sa pagtatalo.
Balikan ang nasabing viral video dito.