Annabelle Rama, nagalit kay Vice Ganda dahil joke ng komedyante sa concert nito?

Nagalit daw si Annabelle Rama kay Vice Ganda dahil sa isang joke sa concert ng komedyante kamakailan.

Ito ang isa sa mga isyung pinag-usapan sa latest vlog ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.

Hindi raw nagustuhan ni Annabelle ang “Pacquiao University” na joke ni Vice sa nakaraang concert nito sa Amerika.

Nakarating umano kay Annabelle na naging sentro ng comedy skit ni Vice ang presidential candidate na si Manny Pacquiao.

“Si Annabelle ang na-offend for Manny Pacquiao, oo.

“Sabi naman ni Tita Annabelle e baka hindi raw nalalaman ni Vice Ganda na si Manny Pacquiao ay anim na taong naging congressman.

“Siyam na taong naging senador, at 26 years sa boxing, at milyonaryo .

“Siya raw ang makakapag-save ng buong Pilipinas sabi ni Tita Annabelle so bakit ginaganon daw ni Vice,sa stage. Nakakaloka!”

Dito na ipinaliwanag ni Ogie ang tungkol sa nasabing joke ni Vice.

“Hindi naman po sa pinagtatanggol namin si Vice Ganda rito pero matagal na po iyong joke sa mga comedy bars.”

Ayon sa joke, kapag nagtayo raw ng eskwelahan si Manny ay tatawagin itong Pacquiao University o “Pac U.”

Ang mga estudyante naman daw dito ay tatawaging “Packers” at ang mga ina ng estudyante at tatawagin namang “Mother Packers.”

Dahil dito, nagbigay ng komento si Ogie at ipinaliwanag kay Annabelle na matagal at luma na ang nasabing joke tungkol kay Manny.

Hindi rin umano pinagtatawanan o inaalipusta si Manny sa nasabing joke kundi naglalaro lamang sa pangalan.

“Matagal nang joke ‘yun tita Annabelle. Hindi naman dahil pinagtatawanan si Manny Pacquiao, kundi naglalaro lamang sila doon sa pangalan. Although syempre sa iba, pangit ‘yun na bakit mo paglalaruan ‘yung pangalan ng isang tao.”

Umani ng iba’t ibang komento mula sa netizens ang nasabing issue.

Narito ang ilan sa kanilang mga sinasabi (published as is).

“Bakit si Annabelle ang nagre-react? Hindi naman siya yun.”

“Masyado namang balat-sibuyas.”

“Pati joke, pinapatulan? Hahaha”

“No harm naman sa joke. Di naman inalipusta yung manok ni Annabelle.”

“Tawa-tawa din tayo Tita Annabelle. Wag masyadong seryoso.”

Panoorin ang kabuuan ng vlog ni Ogie dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: