Viral ngayon sa social media ang isang 70-taong gulang na babae sa India na nagsilang ng kanyang anak.
Ito ang panganay nilang anak ng kanyang mister na 75-taong gulang na.
Sa ulat ng GMA News, sinabing 45 taon nang kasal sina Jivunben Rabar at ang mister niyang si Maldhari.
Naging mahirap umano para sa kanila ang makabuo ng anak.
Dahil sa pagiging bigo na magkaroon ng anak, dito na nagdesisyon ang mag-asawa na sumailalim sa tinatawag na in vitro fertilization o IVF.
Sa prosesong ito, kinukuha ang egg cell ng babae mula sa obaryo, at ipe-fertilize ito gamit ang sperm cell ng lalaki sa laboratoryo.
Kapag na-fertile na ang egg, saka ito ibabalik sa bahay-bata ng babae para roon na tuluyang mabuo ang sanggol.
Labis na natuwa ang mag-asawa nang sa unang pagkakataon ay nabuntis si Jivunben at matagumpay na isinilang ang kanilang edad.
Maituturing na malaking tagumpay ito lalo na sa edad ng nasabing ginang.
Ayon sa kanilang doktor na si Dr. Naresh Bhanushali, isa itong hindi espesyal na kaso.
“When they first came to us, we told them that they couldn’t have a child at such an old age, but they insisted.
“They said that many of their family members did it as well.
This is one of the rarest cases I have ever seen!”
Sinabi naman ng OB-GYN na si Dr. Marc Ancheta na 43% lamang ang tiyansa ng survival ng egg at embryo na kinuha mula sa mga babaeng edad 35 pababa, habang 15.6% ang tiyansa ng survival na kinuha mula sa mga edad 41 hanggang 42.
Mabilis na nag-viral ang nasabing kuwento ng ginang sa social media.
Umani ito ng iba’t ibang reaskiyon ng netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Wow! Pwde pa pala yun sa edad niya?”
“Lola na pero nakuha pang manganak. Iba na talaga ang siyensya ngayon!”
“Amazing! Sana maalagaan pa nila at masubaybayan ang paglaki ng bata.”
“Congratulations sa kanila. God’s gift na talaga sa kanila yun.”
“May himala talaga!”