Kylie Padilla, sinupalpal si Cristy Fermin: “Grow up. Ang tatanda nyo na.”

Tila napuno na ang aktres na si Kylie Padilla kung kaya’t matapang niyang pinagsabihan ang showbiz writer na si Cristy Fermin.

Sa isang Facebook post, naglabas ng kanyang saloobin ang aktres.

Sinabi niyang kilala niya kung sino ang source ni Cristy sa mga ikinukuwento nito tungkol sa pagsasama nila ng dating asawang si Aljur Abrenica.

Pinipigilan lamang daw niya ang sarili na magsalita dahil sa kanyang mga anak.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo.

“Nag titimpi ako para sa mga anak ko.

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao.

“Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na.

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo.”

As of this writing ay tila burado na ang nasabing Facebook post.

May kinalaman ang hinanakit ni Kylie sa ilang ikinuwento ni Cristy tungkol sa hindi magandang pakikitungo umano ni Kylie kay Aljur.

Matatandaang sa pamamagitan din ng isang Facebook post ay ibinunyag ni Aljur na si Kylie ang unang nangaliwa sa kanilang dalawa.

Hinamon nito ang aktres na magsabi ng totoo sa publiko.

“Kylie please tell them the truth.”

“Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain.

“Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.

“Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know.

“I have no hate for them despite of all the attacks and accusation they have towards me.

“I do appreciate their reactions because I know it comes from their genuine morality and support towards our family.

“So they also deserve to know the truth. I’am sorry for asking these questions and for breaking our agreement of not speaking to the public.”

Matatandaang ang ama ni Kylie na si Robin Padilla ang unang nagbunyag sa publiko tungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.

Ayon pa nga sa pagkukwento ni Robin, nagkaroon ng third party sa panig ni Aljur na nagresulta sa hiwalayan ng dalawa.

Hindi raw nagsalita noon si Aljur dahil may kasunduan sila ni Kylie na hindi sila magsasalita sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: