1.6 million pesos, nalikom ng bagong kasal sa kanilang ‘money dance’

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang bagong kasal na nakatanggap ng tumataginting na 1.6 million pesos mula sa kanilang money dance o prosperity dance.

Marami ang napamangha dahil sa laki ng halagang nakuha nina Rubz Sabb at Collins Combalicer.

Umabaot ang halaga sa 1.6 million pesos kung saan ang isang milyon ay galing sa lola ng bride na si Lola Deling.

Ang P600,000 naman ay galing sa iba pang mga bisita ng bride at groom.

Ayon sa Facebook post na ini-upload ni Makeup by Edward Pascual, habang nagsisimula na ang tradisyonal na wedding dance ay inilabas na ni Lola Deling ang kanyang sorpresa para sa apo at sa asawa nito.

Ang isang milyong piso ay ginawang tila kapa at isinabit sa mag-asawa.

Narito ang caption ng nasabing post.

“Basta taga Quezon Province galante daw sa Money Dance, Hindi naman ako naniniwala kasi 1.6M lang naman.”

Agad na nag-viral ang nasabing post at umani ng komento ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Paano mag-apply na apo ni Lola? Hahaha”

“Sana all may galanteng lola.”

“Ayan, may pambili na ng bahay at lupa.”

“Lola, ikakasal na rin po ako. Apo nyo po ako. Hahaha”

“Paki deposit daw sa account ni lola pagkatapos ng kasal. hahaha”

“Kaway-kaway sa mga gaya kong napasabi na lang ng sana all.”

“Eksena si lola! I love it! Haha”

“Ang saya sigurong maging apo ni lola.”

“Naku, wag mong hihiwalayan si ate. Baka pabayaran sayo yung isang milyon. Hahaha”

“Bakit parang di masaya si ate? Ate, pwede akong sub dyan. Hahaha”

“Tara na’t humanap ng lola na kagaya ni Lola Deling.”

“Iba ang paandar ni lola. Nakaka-good vibes.”

“Hanggang Sana all na lang ba talaga tayo?”

“Hindi ko alam kung sa kasal o sa pera ako maiinggit. Hahaha”

“Sana ginawang tigbebente pesos. Hahah”

“Bakit sad yata si bride? Or baka pinuproblema kung paano bibilangin? Hehe”

Panoorin dito ang nasabing viral video.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: