Pinsan ni Kylie Padilla, may banat kay Aljur Abrenica: “Stop your lies.”

Umalma ang pinsan ni Kylie Padilla na si Princess Paulino sa mga paratang ni Aljur Abrenica laban sa dating asawa.

Sa isang social media post, inisa-isa ni Princess ang kanyang mga punto.

Sinabihan din niya ang aktor na maging disente ito sa mga pahayag nito sa publiko.

“Hey Aljur, please have some decency.”

Hindi raw niloko ni Kylie ang aktor.

“Kylie never cheated on you. Not even when you could not put food on the table.”

Ibinunyag rin niya na marami pa raw utang na pera ang aktor.

“You still owe her a lot of money which she never took against you.”

Maraming beses raw na nagloko si Aljur kaya tigilan na raw nito ang pagsisinungaling.

“You cheated on her multiple times and We All know that. Stop your lies.”

Hindi rin daw kasalanan ni Kylie kung marami mang bashers ngayon si Aljur.

“It is not her fault why you have a lot of bashers. It was your choice to flaunt your new girlfriend in public, not hers.

“Despite the truth that you were an irresponsible husband who broke Kylie’s heart many times, she NEVER went public to say anything against you.”

Wala rin daw alam si Kylie noong ibinunyag ng ama nito na si Robin Padilla ang tungkol sa hiwalayan nila Aljur.

“When Tito Robin spoke about your cheating, Kylie did not know about it. She even felt bad.

“Save some respect for yourself.

“Stop your LIES.”

Matatandaang sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Aljur ang kanyang panig sa issue ng hiwalayan nila ni Kylie.

Hinamon niya si Kylie na magsabi ng totoo.

“Kylie please tell them the truth.”

“Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain.

“Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.

“Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know.”

As of this writing, wala pang direktang sagot si Kylie hinggil sa issue.

Ilang Instagram stories ng aktres ang pinaniniwalaan ng ilan na tugon umano nito sa kontrobersiya.

Isang tila makahulugang quote ang ibinahagi nito.

“Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: