Usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ng GMA-7 show na ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ tungkol sa linta.
Sa nasabing post kasi, binanggit ang paggamit ng linta bilang panggamot sa ilang sakit gaya ng rayuma, tigyawat, at eczema.
May ilang nagpatotoo na nakakagaling nga ang linta.
Ayon kay Marta, bata pa lamang siya nang magkaroon siya ng eczema na naging pabalik-balik.
“Nung bumalik ‘yung eczema ko recently, mas malala siya kaysa sa dati.
“Nag-take ako ng antibiotic, sinubukan ko ‘yung mga sabon, ointment. Pero wala eh, bumabalik pa rin siya.
“Hanggang sinabihan nila ako na i-try ‘yung leech therapy.
“Nilalagay nila ‘yung linta doon sa may sugat para higupin ‘yung dugo.”
Makalipas umano ang ilang therapy sessions ay unti-unti nang natuyo ang mga sugat niya.
Naging maayos na rin daw ang lagay ng paa niya at unti-unti na ring gumaling ang mga sugat niya.
Ayon naman kay Jobby, bata pa lamang siya at naging mahilig na siya sa linta dahil marami nito sa bukid nila.
“Isang beses, nakakita ako sa YouTube na ginagamit ‘yung linta pang-therapy ng mga sugat at pimple.
“At that time, may pimple ako sa mukha, kaya sinubukan ko.
“Kinabukasan, natuyot na ‘yung pimple.
”Makalipas ang ilang araw, wala nang bumabalik na pimples sa mukha ko.”
Agad na umani ng reaksiyon ng netizens ang nasabing post.
Narito ang ilan sa kanilang mga koment (published as is).
“bweset na linta nayan d ko tlga makalalimutan yan takot na takot talaga akong makapitan nyan😂”
“Mas mabuti nang mam4tay ako sa sakit kaysa mam4tay ako sa takot ng l!ntik na linta na yan🤭”
“Careful lang talaga sa paglalagay ng linta. Baka pag nalingat ka, pumasok na sa di dapat pasukan. May nangyari na kasing ganyan kaya ingat po.”
“ginagamit po talaga siya sa modern medicine to improve blood circulation, matagal na po yan napapanood sa ibang international channels, pati maggots ginagamit para sa mga may diabetic wounds na nabubulok na laman”
“Tulad Ni beshy ko parang linta dikit nang dikit humanap nang masipsip 🤣”
“Nakakatakot pero totoo ito sa amerika may mga doktor na gumagamit ng linta para sa pasyente nila na namomoO ang dugo sa katawan lalo na sa tenga … surgical assistant na nga tawag nila sa mga linta”
“Linta ay ginamit na panlunas sa mga sugat ng sundalo panahon ng gyera lalo na para maiwasan ang infection”