Super Tekla, napagbintangang magnanakaw sa isang convenience store

Ibinahagi ng komedyanteng si Super Tekla o Romeo Librada sa tunay na buhay ang naging karanasan niya sa isang convenience store kamakailan.

Sa isang Facebook post ay ikinuwento ni Tekla na napagbintangan siyang magnanakaw sa isang sikat na convenience store.

Matapos daw siyang magbayad ng kanyang pinamili ay hinarang siya ng staff at sinabing may kinuha umano siyang item.

“Mistaken identity 711 E ROAD BRANCH I BUY SOMETHING HINARANG AKO NG SALE’S LADY AFTER KO MABAYARAN YUNG BINILI KO  MAY KINUHA DAW AKUNG ITEM

“SABI KO ARE YOU SURE ATE  NAPAHIYA AKO DAMING TAO

“SABI NYA KAPKAPAN DAW DAW AKO.”

At para patunayang wala naman siyang kinuha o ninakaw ay pumayag na rin siyang magpakapkap.

“THEN SABI GO AHEAD WALANG NAKITA SA AKIN.

“PINA CHECK KO ANG RESIBO KO KUMPLETO BAYAD AT YUNG BINILI KO.”

Dito na siya nagdesisyong magbaba ng kanyang mask.

“BINABA KO YUNG MASK KO NA RECOGNIZE NYA AKO SI TEKLAH.

“ATE KINAPKAPAN AT BINAGBINTANGAN MO AKO ATE TAPOS NGAYON IIYAK KA AT NAGSOSORY DAHIL NAGKAMALI KA.

“GANUN LNG KADALI YUN SABI KO SA KANYA ANG SWERTY MO ATE MABAIT AT MAUNAWAIN AKO.

“KUNG SA IBA YUN MAY PAGLALAGYAN KA.”

Nagdesisyon na lamang daw siyang palampasin na lang ang pagkakamali ng babae matapos itong umiyak at humingi ng tawad sa kanya.

“CGE ATE PALALAGPASIN KO ITO SWERTY MO SAKIN KA NATAPAT.

“KUNG SA IBA BAKA NATANGGAL KANA

“LESSON LEARN WAG MANGHUSGA SA PANLABAS NA ANYO SIGURADUHIN MONG TAMA ANG GINAGAWA MO

“IMBES NA MAGALIT AKO AWA NANAIG SA PUSO KO

“DI BIRO YUNG PAGBINTANGAN KA MANANAKAW PERO SABI KO KUNG SUSUNDIN KO ANG GALIT KO TANGGAL SYA SA WORK

“INISIP KO NALNG YUNG GOOD SIDE..SABI KO SA INYO IN REAL LIFE NAPAGBIBINTANGAN AKO AYUN ABOT LANGIT PASALAMAT NI ATE

“INISIP KO RIN MARAMING UMAASA SA KANYA MAS MAINAM ANG MAGPATAWAD AT UNAWA MINSAN SA SITWASYON SHARE KO LNG SA INYO KAKATAWA PERO SAD REALITY”

Dahil sa nangyari, umani ng papuri ang komedyante mula sa kanyang mga tagahanga.

Pinuri ng mga ito ang desisyon niyang maging mapagkumbaba at maunawain sa kabila ng isang nakakahiyang sitwasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: