Viral na ngayon sa social media ang video ng Grab driver na aksidenteng tinamaan ng ligaw na bala mula sa engkwentro ng mga pulis at ng aktor na si Jake Cuenca.
Sa video na ini-upload ng Facebook page na Marth TV, makikita ang nakadapang lalaki habang tila naghihintay ng saklolo.
May caption ang post na:
“Grab rider! 9:pm October 9 2021 Pasig City News Official
“Corner meralco ave. along shaw blvrd 😥,
“Pagaling ka ka-grab! Sana d ka napuruhan ng bala🙏 🙏”
Mabilis na nag-viral ang post at umani ng iba’t ibang reaksiyon ng publiko.
Isang komento ang nakapagbigay ng linaw sa pangyayari.
“Natamaan lang po ng ligaw na bala si paps, hinahabol ng mga pulis yung sasakyan daw ni jake cuenca kase hindi huminto sa checkpoint, tapos nagkabarilan na.
“Tumalbog ung bala natamaan yung grab rider kaya nahulog sya sa motor niya at nagkaganyan.
“Edit: Sa mandaluyong po nagsimula yung pangyayare, nakabangga daw si jake cuenca at lasing tapos tumakas kaya hinabol ng mga pulis hanggang sa ganyan ang nangyare.
“Naposasan na daw sya ng mga kapulisan na dumating.
“Baka may nakakakilala kay kuyang grab driver gusto ko malaman ang kalagayan nya hopefully nakasurvive sya dahil napuruhan daw po si kuyang. Kawawa naman hays 🙏🏻”
Panoorin ang nasabing video dito.
Sa kaugnay na ulat, inaresto nga ng kapulisan ang aktor na si Jake Cuenca matapos nitong takasan ang pagkakabangga sa sasakyan ng mga pulis.
Ayon kay PBGen. Matthew Bacay, Director, Eastern Police District, wala namang nasaktan sa nabanggang sasakyan ng aktor.
“Wala namang nasaktan sa nabanggang sasakyan ni Jake Cuenca. During the chase. kailangan i-disable ang sasakyan (ni Jake Cuenca) kaya pinutukan ang gulong.”
“Hinabol ng mga pulis natin hanggang sa nakarating sa area ng Pasig sa may Shaw and when confronted, nakita na ang driver ng sasakyan ay ang aktor na si Jake Cuenca.
“Upon sa inspection sa sasakyan ni Jake, wala namang nakitang something illegal.”
Inaresto at kakasuhan umano ang aktor.
“He (Jake) was arrested kasi mayroong tayong ikakaso sa kanya na Reckless Imprudence Resulting to Damage to Property.”
Isang Grab driver din umano ang nadamay sa insidente nang aksidenteng tamaan ng stray bullet.
“Last night at about 9 pm, may dumaan na sasakyan, unfortunately tinamaan ang sasakyan ng mga pulis natin at hindi tumigil ang sasakyan.
“May Grab driver na tinamaan ng stray bullet.”
Tiniyak naman na nasa mabuting kalagayan na ang nasabing delivery rider.