Video ni Jake Cuenca matapos habulin ng mga pulis, viral na sa social media

Viral na ngayon sa social media ang video ng aktor na si Jake Cuenca matapos itong habulin at abutan ng mga pulis.

Inaresto ng mga pulis ang aktor matapos nitong takasan ang pagkakabangga sa sasakyan ng mga pulis.

Makikita sa nasabing viral video ang aktor na nakaupo sa gilid ng kalsada.

Ayon kay PBGen. Matthew Bacay, Director, Eastern Police District, wala namang nasaktan sa nabanggang sasakyan ng aktor.

“Wala namang nasaktan sa nabanggang sasakyan ni Jake Cuenca.

During the chase. kailangan i-disable ang sasakyan kaya pinutukan ang gulong.”

“Hinabol ng mga pulis natin hanggang sa nakarating sa area ng Pasig sa may Shaw and when confronted, nakita na ang driver ng sasakyan ay ang aktor na si Jake Cuenca.

“Upon sa inspection sa sasakyan ni Jake, wala namang nakitang something illegal.”

Inaresto at kakasuhan umano ang aktor.

Dahil sa nangyaring habulan at pagpapaputok, isang Grab driver ang aksidenteng tinamaan ng stray bullet.

Nasa maayos na kalagayan naman na umano ang nasabing driver.

Mabilis na nag-viral ang nasabing video at umani ng reaksiyon mula sa netizens.

“Sana walang special treatment dahil lang sa artista siya.”

“Lasing siguro yan kaya ganyan. Bakit kailangang tumakas?”

“Nakupo. Ipadrug test sana para makasiguro.”

“Ayan, sikat ka na naman sa ganyan.”

“Awit. May nadamay pang inosenteng tao dahil sa pagiging pasaway mo.”

“Dapt walang special treatment kapag artista.”

“Lasing ba? KAsi bakit ganyan ang itsura?”

“Kawawa naman yung nadamay na nagtatrabho lang naman.”

“Tamang tama sa’yo ang title ng bago mong teleserye, VIRAL. haha”

“ABS, artista nyo oh, nagkakalat. Haha”

“Sana panagutan nya rin pati yung nadamay. Nagtatrabaho lang nang maayos para sa pamilya, nagkaganyan pa.”

“Kawawa naman si Grab driver. Paano na yan? Sinong mananagot dun?”

“Tulala siya ah. Baka naman high yan?”

“Sana naman kasi pag nakainom at di na kayang magneho, wag na magmaneho. Nadadamay pati mga inosente.”

“Maging aral na sana yan sa lahat, artista man o hindi.”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: