Pagnanakaw ng isang sakong bigas sa isang tindahan, huli sa video

Nag-viral sa social media ang isang CCTV footage ng aktong pagnanakaw ng isang sakong bigas sa isang tindahan.

Makikita sa video ang isang lalaking customer na noong una’y bumili lamang ng softdrinks mula sa tindahan.

Kapansin-pansin ang tila pananadya ng lalaki na magtagal sa tindahan.

Kahit na makikitang ubos na ang iniinom na softdrinks ay aptuloy lang ito sa pagtungga sa bote at nagpapanggap na umiinom pa rin.

Makikita rin na ilang beses itong palinga-linga at tila kumukuha ng tiyempo.

Nang makakuha na ito ng buwelo at masigurong walang nakakakita sa kanya ay pasimple nitong binuhat ang isang sako ng bigas na nasa gawing harapan ng tindahan.

Mabilis niya itong naisakay sa kanyang motor at dali-dali ring umalis.

Umani ng views at komento ang nasabing video mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Pg sanay k s ganyang gawain, nd kn tinatablan ng hiya, mkapal n mukha mu! Wlang takot dios, mgbago kn sir pra nd k mgcc s huli!”

“Lahat ng masamang gawain sa kapwa ay lilipulin at lalong paghihirapin…”

“Masama yung ginawa ni tatay ,hindi lang sa cctv cya nakita,pati ang Panginoon Diyos nakita ang ginawa niya,humingi ka ng tawad ,at huwag mo na uulitin sana”

“ano bayan,naglagay pa kyo ng cctv kong dnman nyo binabantayan,dapat po laging bantayan cctv para pkinabangan”

“Magkano Lang tubo Jan sa mga groceries na yan tapus na nakawan NG isang kaban na bigas, hay kawawa naman may ari niyan..”

“Dapat listo tindero di gnyan pgkabili sknya upo agad celpon agad dnya Alam dmi paninda sa labas ñla manakaw bnigyan m tukso pra magnakaw ehhh natapat ka gwain nya”

“Pag tàlaga wala na sila makain gagawa ng paraan sila para meron mailaman sa tiyan siguro kung meron pambili yan di niya magawa yan”

“Kulang na lang eh kagatin amg bote makapagnakaw lang kawawa naman mga anak nya sana di sumalot mga tyan mg pakakainin ng timawng yun”

“ganyan na talaga mga tao ngayon 😔 masakit na reyalidad yan”

“Minsan hindi natin naiisip yung ginawa natin kung ano maging epekto ng kinuha mo sa iyong kalusugan dahil galing sa masama im sure hindi ka na mananalangin bago kumain.”

“Kung walang wala ka sana, baka maintindihan kapa kaso naka motor ka naman at halatang may pambili ka pero mas ginusto mu ng madalian kaya nakaw nalang ginawa mu.”

“kapal din ng bdhi tao na yan..may motor walang pambili ng bigas.. tsk tsk tsk.”

“Dapat laging may bantay sa tindahan lalo na nasa labas nakalagay yung sako ng bigas. Sa panahon ngayon, madami na talagang makakapl ang mukha.”

“Dala nadin yan ng kahirapan kahit nakaw ipapakain sa pamilya.”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: