Fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, dismayado kay Karla Estrada?

Trending topic sa Twitter ang TV host-actress na si Karla Estrada kahapon, October 8.

Ito ay matapos magpahayag ng pagkadismaya ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa naging desisyon ng ina ni Daniel na kumandidato bilang isang partylist representative sa darating na 2022 elections.

Tila hindi ito nagustuhan ng KathNiel fandom at ng maraming ABS-CBN supporters.

Si Karla kasi ay isang nominee ng Tingog partylist na isa sa bumoto para i-deny ang pagkakaroon ng prangkisa ng Kapamilya network noong 2021.

Ipinaalala ng ilang netizens ang kinalaman ng nasabing partylist sa kinahinatnan ng ABS-CBN franchise renewal.

Isa sa kinikilalang top personalities ng ABS-CBN ang tambalang Kathryn at Daniel at isa ring ABS-CBN talent si Karla.

Narito ang sentimyento ng ilang KathNiel at Kapamilya fans.

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: